SALI KA, KABAYAN

 

 

 

Mula sa panulat ni

BHENG ARELLANO

London, United Kingdoom

 

LIHIM

​

Aywan ko kung bakit kung kasama kita,

ang bawa’t galaw ko’y masiglang-masigla;

sa aming tahanan tuwing darating ka,

kaibang damdami’y aking nadarama.

 

Nagkasundo tayong magpapalagayang

maging magkapatid at magkaibigan;

nguni’t ang puso ko ay may kasalanan,

iniibig kita’y di mo nalalaman!

 

Bakit ang kilos ko’y di mo maunawa,

gayong kilala kang pantas na makata?

di ko masasabi ang laman ng diwa,

sukdang ipagdusa at aking iluha?

 

Nangangamba akong baka ka magalit

kung matuklasan mong ako ay may hapis;

sa kaibuturan ng pusong malinis

ay may nagkukubling lihim na pag-ibig!

​

​

​

Mga katha ni Bheng Arellano na matatagpuan sa Sali Ka, Kabayan