JOEL A. SANTOS

 

 

Isa po akong nurse dito sa bansang Kuwait. Katulad po ng dahilan ng ating mga kababayan, nakipagsapalaran sa ibang bansa upang magkaroon ng magandang kinabukasan ang ating pamilya sa Pilipinas. 

 

Nagsimula po ang aking pagkahilig sa paglikha ng tula noong ako po ay magka-interest sa potograpiya. Isa po akong klase ng tao na mahilig magpahalaga sa ganda ng kalikasan. 

 

Masasabi ko po na ako'y isang musmos at nagsisimula pa lang sa larangan ng potograpiya at sa sining na paglikha ng tula. 

 

Nagnais po akong makilahok sa Sali ka, Kabayan para maibahagi ang aking sariling-kathang tula sa ating mga kababayan. Nakatutuwang isipin na marami pa palang Pinoy na mahilig sa sining ng paglikha ng tula sa kabila ng ating makabagong panahon.

 

 

 

Mga katha ni Joel Santos na matatagpuan sa Sali Ka, Kabayan

Copyright 1976-2019 © Rafael A. Pulmano Contact

affiliate_link