SALI KA, KABAYAN

 

 

 

Mula sa panulat ni

JUVEL REMPIS

Pohnpei, Federated States of Micronesia

 

ANG UMALIS SA SARILING BAYAN

​

Umalis sa aking bayan upang baguhin 

     ang aking pamumuhay

Halo-halong nararamdaman nang umupo pa lang 

     sa eroplanong aking hinintay

Naiiyak na parang bata at ang hanap 

     ang nanay pati rin ang tatay

​

​

Tinititigan ang pintuan, di mawari kung 

     tatalikuran and bayang naghihintay

Napatulala nang pansamantala at biglang 

     may sumigaw “umupo nang husay”

at unti-unting umangat at umalis nang tuluyan 

     ang eroplanong aking sinasakyan

​

​

Nakarating ng maayos sa bagong bahay

walang makakasama at walang karamay

​

​

takot ang bumalot at pagaalala 

     kung paano makakaya

sinusubukan na lang na umasa

sa gabay ng Dyos at may dasal na kasama

​

​

unti unting nakakasanayan 

     ang buhay na ganito

pinipilit na maging masigla 

     at para di mabato

nababawasan ang pagaalala 

     at nakakapadala ng konting balato

mga tsokolate, de lata at kape 

     at kung sinuwerte may kasama pang pabango

Konting pera ang isasakripisyo 

     para magkaron ng bahay at lupa na bato

at itutuloy ang kontrata hanggang 

     mabuo ang pangnegosyo

​

​

Di maiwasan minsan 

     ang lungkot na dumadaan

Iiyak ka na lang at matutulog 

     kung kinakailangan

Para di matuluyan na  masiraan

mugto ang mata kinaumagan 

     at maliligo para mapreskuhan

Patuloy na lumaban para makayanan

ang lahat ng karanasan na di maiwasan

 

​

Nakakalungkot ang mga pinagdaanan

Marami ang gustong matikman

Katulad ng baboy na sinigang 

     o kinamatisan

Pati pansit ni aling Beng na nakakatakam

ultimong adobong pusit na malinamnam

Amoy ng tuyo na may 

     hiniwang kamatis sa umagahan

Yan ang mga nakakapanghinayang 

     habang wala ka sa sariling bayan

​

​

Walang magagawa kundi maghintay

At magpasalamat sa may bigay ng bagong buhay

At nawa’y maibalik ko ang lahat ng bigay

Sa pamamagitan ng pagtulong 

     sa kapwa at nangangailangan

Walang katapusan pasasamat 

     at tayo ay napagbigyan sa ganitong buhay

At balang araw gusto ko makita ng Poong mahal

kung gaano ko pinahalagahan 

     ang lahat ng biyaya na aking natikman

​

​

Sana'y sa lahat na nagsusumikap 

     at malayo sa mga minamahal

Wag mawalan ng pagasa 

     ikaw din ay balang araw ay mamahinga

wag lang sayangin ang mga kinita 

     at purihin ang Dyos sa lahat ng bigay nya

​

​

Di niya tayo pinabayaan 

mula sa araw ng ating paglisan

hanggang sa makabalik sa ating bayan

Kung di sa iyong gabay 

     di ko sana narating itong 

          aking kinalalagyan

Maraming Salamat po aking Panginoon 

     sa lahat ng mga biyaya 

         na iyong binigay

​

​

​

Katha ni Juvel Rempis na matatagpuan sa Sali Ka, Kabayan

Copyright 1976-2019 © Rafael A. Pulmano Contact

affiliate_link