ARAW NG MGA INA

​

Akay-akay mo ako nuong ako ay munti pa

Retasong makulay ay tinahi mong maganda

Alay mo sa aking kaarawan, nagbigay ligaya

Wagas na pagmamahal ang iyong ipinakita

​

Nakinig kang lagi sa aking mga katuwiran

Gawa mong magaling ang lagi kong huwaran

​

Mapagkumbaba ka’t wala nang makakatulad

Gulong nitong buhay ay iyong ipinaliwanag

At laging isa-puso lalo na ang kahabag-habag

​

Ikaw ang humubog at nagmulat ng mga mata

Na sa pagsisigasig ay may makakamtan ka

Aliw, sampu ng ligaya naidulot mo sa pamilya.

​

​

Laura Balatbat-Corpuz

Ika-14 ng Agosto, 2007

 

​

Mga katha ni Laura Balatbat-Corpuz na matatagpuan sa 

Sali Ka, Kabayan