Ang mga balagtasang matatagpuan sa sayt na ito ay nagsimulang mabuo noong dekada '90 at patuloy na nadaragdagan sa kasalukuyan . . . [May karugtong – Basahin ang buong introduksyon]

​

​

Aral at Ligaw – Dapat ba o Hindi Dapat pagsabayin ang panliligaw at pag-aaral?

​

Babae ang Manliligaw – Dapat ba o Hindi Dapat na manligaw ang mga kababaihan?

​

Bakla sa PNP – Dapat ba o Hindi Dapat payagan ang bakla sa Philippine National Police?

​

Bata at Pamalo – Dapat ba o Hindi Dapat na paluin ang bata?

​

Boksingerong Anak – Kung hangad ng kaisa-isa mong anak ay maging isang boksingero, Payag o Tutol ka ba?

​

Dagdag na Taon sa Haiskul – Dapat ba o Hindi Dapat dagdagan ng isa pang taon ang haiskul sa Pilipinas?

​

Diborsyo sa Pilipinas – Dapat ba o Hindi Dapat na payagan ang diborsyo sa Pilipinas?

​

Giyera Laban sa Droga – Sang-ayon o Tutol ka ba sa pinaiiral na sistema ng kasalukuyang pamahalaan hinggil sa pagsugpo sa suliranin ng droga sa Pilipinas?

​

Halalan sa 2016 – Sino ang higit karapat-dapat na ihalal na Presidente sa halalang 2016 – Si Mar Roxas, si Jojo Binay, o si Grace Poe?

​

Hiling ng Magulang – Halimbawang pito kayong magkakapatid, ikaw ang panganay, at bilang pa-Pasko ay hiniling ng iyong mga magulang na huwag ka munang mag-aasawa hanggang hindi nakakatapos ng pag-aaral ang iyong mga kapatid – Pagbibigyan mo ba o Hindi Pagbibigyan ang kahilingan nila?

​

Kapisan ang Biyenan – Dapat ba o Hindi Dapat na kapisan sa bahay ng manugang ang biyenan?

​

Kapit sa Patalim – Magagawa mo bang "kumapit sa patalim" kung sa sandali ng iyong matinding kagipitan ay wala ka nang ibang malalapitan?

​

Katapatan ng Kandidato sa Senado – Dapat ba o Hindi Dapat na Taglaying Katangian ang “Katapatan” ng mga Kandidatong Senador sa Ating Bansa?

​

Katotohanan sa Pamamahayag – Bilang isang dyornalista o mamamahayag, Dapat ba o Hindi Dapat na isiwalat mo ang buong katotohanan kahit na manganib ang iyong buhay?

​

Maganda vs Pangit – Kung dalawa lang ang pagpipilian, sino ang iyong iibigin at pakakasalan: Taong Pangit ang itsura, nguni’t maganda ang ugali?  O taong Maganda ang itsura, nguni’t pangit ang ugali?

​

Mahal Mo vs Mahal Ka – Kung dalawa lang ang pagpipilian, sino ang handa mong pakasalan: Taong Mahal Mo, nguni’t di ka niya mahal? o taong Mahal Ka, nguni’t di mo siya mahal?

​

Matalino vs Mayaman – Sino ang mas sikat at higit na dapat hangaan: Matalino o Mayaman?

​

Pag-asa ng Bayan – Nasa Kabataan ba o nasa May Gulang ang pag-asa ng bayan?

​

Pagkakaisa ng Mga Pilipino – Kaya ba o Hindi Kaya ng mga Pilipinong magkaisa?

​

Paglahok sa Politika – Payag ka ba o Hindi Payag na kumandidato kung ikaw ay mahilingang lumahok sa politika?

​

Pagsasabi ng Totoo – Dapat ba o Hindi Dapat na laging magsasabi ng totoo?

​

Pagsasawalang Kibo ng Inaapi – Dapat ba o Hindi Dapat na magsawalang-kibo ang manggagawang inaapi?

​

Pakialam sa Pag-ibig ng Anak – Dapat ba o Hindi Dapat na makialam ang magulang sa pagpili ng mapupusuan ng anak?

​

Pakikihalo ng Matanda sa SK – Dapat ba o Hindi Dapat na makisangkot ang matatanda sa eleksyon ng Sangguniang Kabataan o SK?

​

Panghihimasok sa Buhay ng Iba – Dapat ba o Hindi Dapat na manghimasok sa buhay ng may buhay?

​

Pangingibang-Bansa – Dapat ba o Hindi Dapat na mangibang-bansa ang taong may pamilyang maiiwan?

​

People Power vs GMA? – Dapat ba o hindi dapat na mag-People Power Revolution ang mga Pilipino upang patalsikin sa Malacanang si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo (GMA)?

​

Pusher na Kaibigan – Isusuplong mo ba sa maykapangyarihan ang iyong matalik na kaibigan kung malaman mong siya ay pusher o nagtutulak ng bawal na gamot?

​

Si Manny Pacquiao at ang Politika – Dapat ba o Hindi Dapat na lumahok si Manny Pacquiao sa politika sa halalan sa taong 2010?

​

Tahanan vs Paaralan – Saan higit na natututo ng disiplina ang bata – sa Tahanan o sa Paaralan?

SI MANNY PACQUIAO AT ANG POLITIKA 

​

Mula panulat nina: 

Rafael A. Pulmano

Lamberto B. Cabual

Amado T. de Jesus

​

DAPAT

​

Maganda ang panukala 

     at payo ng kabalagtas,

Yan nga'y kaya niyang gawin,

     ngunit bakit tinatagpas;

Bakit nililimitahan 

     ang kaniyang abilidad?

Bakit tanging ang pagiging 

     boksingero'y itatatak?

(Siya nama'y may talento 

     sa iba ring kapasidad,

Rekording nya't pelikula'y 

     tinangkilik din ng lahat!)

​

Kung siya ay nanatiling 

     boksingerong pang-amatyur,

Di nagsikap na maging pro 

     at umakyat ng dibisyon;

Kung siya'y di pinayagang 

     sa kanbas ay makatuntong,

Walang Manny Pacquiao 

          tayong 

     bayani ng buong nasyon;

Ganyan din sa politikang 

     masusubok lang ang bisyon,

Kung hindi mo pagkaitan 

     ng tsansa't pagkakataon.

​

​

HINDI DAPAT

​

Tsansa at pagkakataon? — 

     nakuha na niyang lahat,

Nang magboksing, mag-artista't

     mag-commercial na palabas;

Ayaw pa ba naman niya 

     sa tayog ng pagkatanyag?

At gusto pa na sa langit 

     ang kapritso’y makalampas; 

(Samantalang itong bayan — 

     ibong sawing umiiyak,

Kasakimang bagamundo’y 

     may parusang nakagayak.) 

​

Sa ngalan ng politika’y 

     hindi lamang yaong puso

Ang marapat na ibigay 

     sa kabayan at kabaro;

Kailanga’y self-expression — 

     kakayahang katutubo —

Si Pacquiao ay wala niyan, 

     totohanan man o biro;

Di ko hangad na ang tanyag 

     na si Manny — mabalaho,

Ihahantad ng kalaban 

     kapintasan niya’t baho!

​

​

BASAHIN ang buong katha: Dapat ba o hindi dapat na lumahok si Manny Pacquiao sa politika sa halalan sa taong 2010?

TUNGKOL

SA SAYT NA ITO

Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.

PASILIP sa Balagtasan . . .

Copyright 1976-2019 © Rafael A. Pulmano Contact

affiliate_link