TRAHEDYA NI ONDOY

TRAHEDYA NI ONDOY
MENSAHE AT PANAWAGAN
Una muna ay nais kong ipaabot sa balana
Marudob kong pakiramay sa kay ‘Ondoy’ na biktima
Kalakip ang panalanging ang naganap na trahedya
Nawa’y hindi na maulit; tubig-baha’y humupa na;
Karamdamang dulot nito’y huwag maging epidemya,
Ang gobyerno’t mamamayan ay matuto na rin sana.
Sa malagim na trahedyang bagyong ‘Ondoy’ ang dahilan
At iba pang kalamidad na sa bansa’y nagdaraan
Na ang bunga’y pagdurusa, gutom, sakit, kamatayan
Gayong kung may paghahanda, pwede namang maiwasan,
Ay sino ba ang may higit o lalong kapabayaan –
Tayo mismong mamamayan? O ating pamahalaan?
Di layon ng BlogTalasan ang sinuman ay masisi
Subalit kung masusuri ang sanhi ng kalamiti
Sa ganito’y matutukoy ang angkop at mas mabuting
Paghahanda bago pa man ang sakuna ay mangyari;
Gobyerno o mamamayan? Kung isa lang responsable,
Sino’ng naging mas pabaya? Kayo na ang s’yang magsabi.
cadena_de_amor says:
PAGKUKULANG NG PAMAHALAAN
Daming buhay ang napugto sa di natin kahandaan,
Libong bahay at gusali ang naanod at nawindang;
Sa unos na nagngangalit at habagat na pamatay,
Payapa mang baya’t bukid ay binayo’t ginulantang;
Nang magbiro ang tadhana, mamamaya’y nasasaktan,
Ang sisihi’y walang iba kundi ang pamahalaan!
Sa kay Ondoy at kay Pepeng, may bagyo nang nangauna
Na sa bansa’y naghatid din ng linggatong at pangamba;
Ang gobyerno mula noon, dapat sana’y humakbang na,
Lumikha na ng panlunas sa unos na darating pa;
Kung sa mga nakaraa’y nagkaaral ng maganda,
Disi’y handa tayong lahat umunos man at sumigwa.
Sana’y hindi tinulutang kagubatan ay mapanot,
Kakahuya’t kabunduka’y naingata’t nataguyod;
Pinatatag yaong prinsa, mga lawa’t mga ilog
Na di kayang isambulat ng pagbaha’t lisyang agos…
(Ang salaping laan sana upang ito’y isaayos,
Sa pondo ng kabang-bayan — malamang na nakurakot!)
katreena says:
MAMAMAYAN ANG MAS PABAYA
Oo, tayong mamamayan ang higit na nagpabaya
Taun-taon bumabagyo, lagi tayong hindi handa
Mapait man kung aminin ang sariling pandurusta
Ngunit iyan ang totoo – pagmasdan ang ating lawa
Mga kanal at estero, mga dagat, ilog, sapa
Ginagawang basurahan ng lipunang salaula.
Kahit tayo ay may halal na opisyal ng gobyerno
Na tungkuli’y mangalaga sa bayan at mga tao
Batas natin, walang silbi sa pasaway na publiko
Sa padulas ng may suhol, bale wala ang ‘zoning law’
Kahit hindi nararapat, babahayan ang estero
Pati kanal, babarahan ng tindahan at negosyo.
Gobyerno man ay nariyan, tayo pa rin mas marami
Munti nating nagagawa (mapasama, mapabuti)
Sama-samang bunga nito’y mas matindi, mas malaki
Kaya tayo ang mas higit na sa baya’y responsable
Ngunit tayong tagaingat sa paligid, nangyayari
Ay tayo pang tagawaldas, tapos iba’ng sinisisi!
TUNGHAYAN ANG BUONG BLOGTALASAN >> [ KLIK ]
TULOY PO KAYO!
Ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa iba't ibang panig ng mundo, na kinikilala at ikinararangal ng Pamahalaang Pilipinas bilang mga Bagong Bayani, ang marahil (bagama't di opisyal na inihahayag) ay pinakamainam na produktong pang-export ng bansa.
Nakapagreremit sila ng bilyun-bilyong dolyar na nakatutulong para mapanatiling nakalutang ang ekonomya ng bansa, kapalit ng pagkakawatak-watak ng ilang pamilya, pagkawasak ng ibang tahanan, at miserableng pamumuhay ng iba pa.
May mga sinusuwerte, meron din namang di pa umaalis (o kaya ay pagbalik) sa Pilipinas ay minamalas na. Subali't ano pa man ang maging kapalaran nila sa pakikibaka sa mga hamon ng pandarayuhan at paninilbihan sa lupang banyaga, ang mga OFWs ay tunay ngang Bayani, at handog sa kanila ang mga tula at iba pang katha sa web site na ito.
ANG BAGONG BAYANI
ni Rafael
A. Pulmano
Nilisan ang bansa kapalit ng dolyar
Singaporeang paslit ang inalagaan
Ang sariling anak, nalamnan ang tiyan
Gutom sa kalinga ng magulang naman.
Gurong naghahangad ng riyal na kita
Nag-domestic helper sa Saudi Arabia
Four years nagtiyagang pakadalubhasa
Sa ibang lahi pa nagpapaalila.
Dating chief engineer sa sariling nasyon
Sa abroad nag-apply: karpentero-mason
Noo'y naka-jacket sa lamig ng aircon
Sa init ng araw ay sunog na ngayon.
Sawa na sa laging galunggong ang ulam
Nagsikap marating ang bansa ng sakang
Sariling katawan ang ikinalakal
Umuwing mayaman, malamig na bangkay.
Nagtiis maglayo yaong bagong kasal
Upang pag-ipunan ang kinabukasan
Masakit na birong pag-uwi ng bahay
Nangulilang kabyak, may iba nang mahal.
Sila ang overseas contract workers natin
Masipag, marangal, at mapangarapin
Kahit may panganib, ayaw magpapigil
Legal o ilegal, bansa'y lilisanin.
Gobyernong kaylangan ang foreign currency
Passport, POEA at etceterang fee
Saludung-saludo, labis ang papuri
Sa OFWs - ang Bagong Bayani.
ANG BIGONG BAYANI
ni Rafael
A. Pulmano
Bilyun-bilyong dolyar
ang sa Pilipinas ay ipinapasok
Na bawa't sentimo
ay sa ekonomya umiikut-ikot
Walang natatapon,
walang lumalabas na kahit
karampot
Dahil walang import,
sila'y hundred percent na
Philippine Export.
OFW lang
ang tanging pang-export nitong
ating bansa
Na ang materyales,
pawis at puhunan, ay sa atin
mula
Tatay, Nanay, Kuya,
Ate, Tito, Tita, maski Lolo't
Lola
Nagtiis malayo,
pamilya'y iniwan, dahil sa
pamilya. more
>>>

website.
The adjectival rating for your site is still lacking. It should include
'excellent extraordinaire' my own rating. Congrats... –
Camilo E. Batitis / Santa Rosa, Laguna, Philippines
increase!!!
– Russel Figueras,
TDIP / Pohnpei, Federated States of Micronesia



"Si Quezon at ang Wika" mula sa
panulat ni Bert Cabual


"I WAS LOOKING FOR SOMEONE TO LOVE"
sa tinig ni Paul Dacanay















