HANGGANG EDSA NA LANG
Mula sa probinsya, lumuwas, nag-apply,
Pumila, umasa, naghintay, nagdasal
Nakuha sa tyaga, nadala sa lagay
Sa wakas! Natuloy mag-abroad si Juan.
At napabilang sya sa napakarami
Na ang tawag "kuno" ay Bagong Bayani
Bayaning sa airport pa lang ng host country
Suspect na ang turing; ang hinala: guilty.
IMMIGRATION: Baka passport, visa - peke!
CUSTOMS: Baka merong shabu sa bagahe!
Mabusising tanong, inspeksyong maigi
Eh kasi, eh kasi - Pilipino kasi!
Tiwala ng mundo'y maramot sa atin
Kelan tayo tunay na rerespetuhin?
Sa Edsa lang yata tayo magagaling...
ARAY KO! Oh Lahing Kayumanggi, Gising!
TUNGKOL
SA SAYT NA ITO
Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.
Copyright 1976-2019 © Rafael A. Pulmano | Contact