AKO AY PILIPINO

ni Rafael A. Pulmano


PILIPINO akong may sariling dangal

Di kayang tumbasan ng lapad at dolyar

At saan mang dako ng sandaigdigan,

Karangalang ito'y handang ipaglaban.


Pilipino akong ang ngalan at puri

Di mababayaran ng ginto't salapi

Mag-abroad man ako't ang aking kalahi

Pangalang malinis ay nananatili.


May nangagsasabing pagdating sa pera,

Merong nagbibili ng kanyang kalul'wa

Ang paniwala ko, Pilipino'y iba

Hanggang sa isang club minsa'y napapunta.


Ako ay namula, nangitim, nanilaw...

Pagka’t nakita ko (dito pa sa Japan!)

Ang kababata ko't kalaro nu'ng araw -

Nagsasayaw siyang hubo't hubad...ARAY!

Copyright 1976-2019 © Rafael A. Pulmano |  Contact

affiliate_link