TUNGKOL

SA SAYT NA ITO

BALIK-MANGGAGAWA

ni Rafael A. Pulmano


Biglaang pag-uwi ay hindi bakasyon

Ang hayskul mong anak nakaburol ngayon;

Suspek daw, may baril…ang pulis, nagtanggol

Nguni’t may testigo

     Huli sa CCTV

          Taliwas sa bersyon


Ng PNP’ng walang pinapanginoon

Liban sa pangulong mura rito’t roon

Galit daw sa droga pero bibig tikom

Sa korap na Customs

     shabung bilyun-bilyon

          lusot sa inspeksyon


Ang may kagagawan sa halip ikulong

Pinagdebatihan sa senadong sesyon;

Ang due process kapag mayaman ka, meron

Kapag patay-gutom,

     Isang sachet pa lang

          Pwede nang ma-dedbol.


Paano nangyari, bakit nagkagayon,

Nakatanga lamang tayong madlang pipol?

Mamamatay-taong luwal ng eleksyon

Ay hinahayaang

     diligin ng dugo

          mahal nating nasyon?




Agosto 18, 2017

Pohnpei, Federated States of Micronesia

Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.

affiliate_link