“Ano ba talaga ang nangyayari… at ganyan ang asawa mo? Matagal na ba niyang ginagawa ito?”
“Nang una naman e, hindi siya ganyan,” ani Dupong. “Malambing siya at mabait.”
“E, kailan pa siya nagkaganyan?”
“Kailan lang, Pare.”
“Ano sa palagay mo, bakit ganyan siya?”
“Marahil, Pare, dahil sa lagi niya akong binubulyawan… at pinagagawa ng mga gawaing dapat na siya ang gumawa… wala nang nangyayari sa amin sa kama,” pagtatapat ni Dupong. “At hindi ko na siya ginagalaw magsiping man kami. Mula nang di ko na s’ya galawin sa kama, laging mainit ang ulo.”
“Ano’ng ginagawa n’ya kung mainit ang ulo?”
“Sa umaga, nagsisigaw siya ng ‘Inutil… napakainutil… walang pakinabang!’ tapos, sinisipa n’ya ang timba at ibinabalibag ang tabo…”
“Aha! ‘lam ko na ang lutas sa problema mo, Pare!”
“Ano’ng lutas, Pareng Kulas?”
“Dapat, Pare e, maging masigasig ka pag katabi mo na si Mare sa gabi. Sipagan mo… limitan mo ang dating… paspasan mo… puyatin mo si Mare!”
“Makabubuti ba ‘yon?”
“Oo naman. Makita mo’t pag puyat s’ya... titikom ang bibig n’ya…hindi na bungangera…at may ipagbabago ang ugali. ”
“Talaga?”
“Maniwala ka, Pareng Dupong… Naiintindihan mo ba ang ibig kong sabihin?”
“Oo, Pare.”
Hindi alam ng magkumpare na dinig pala ang pag-uusap nila ni Anding, ang maybahay ni Kulas. Naisip niyang makatutulong siya sa problema ng kanilang Kumpareng Dupong. Kakausapin niya ang kanyang kumareng Takya, at pagpapayuhan kung kailangan. Tumalilis siya at naiwan niyang nag-iinuman ng serbesa ang dalawa. Hindi gaanong malayo sila sa tahanan nina Takya at Dupong. Madali siyang nakarating doon.
TUNGKOL
SA SAYT NA ITO
Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.