TUNGKOL
SA SAYT NA ITO
Isang-yugtong dula mula sa panulat ni
Katapusan ng Dula – Pahina 6
Tagapagtanggol : Ang lahat ng ito’y bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na maibunton sa isang inosenteng tao ang isang karumal-dumal na krimen, upang mapayapa ang mga taga-media at ang mga concerned citizens na bumabatikos sa pamahalaan bunga ng paulit-ulit na kabiguan nitong lutasin ang patuloy na lumalaganap na krimen sa ating bansa. Sa ilalim ng ating konstitusyon, ang isang taong akusado o napaghihinalaan ay itinuturing na walang sala hangga’t hindi napatutunayang nagkasala. Dahil dito ay hindi niya kailangang patunayan ang kanyang kawalan ng pagkakasala. It is up for the prosecution to prove that the accused is guilty beyond reasonable doubt. The burden of proof lies in their hands. Your Honor, maliwanag na nabigo ang prosekusyon na mapatunayan sa harap ng Hukumang ito na si Inocente Walangmalay ay nagkasala nang walang kadudaduda. Kaya hinihiling namin ngayon sa Kagalanggalang na Hukumang ito na pawalang-sala ang nasasakdal sa kasong ibinibintang laban sa kanya.
(Huhudyat ang Hukom para tumayo ang lahat.)
Court Clerk : Tumayo ang lahat!
(Tatayo ang lahat.)
Hukom : Batay sa aking pagsusuri ng mga pahayag at ebidensyang iniharap sa korte ay napatunayan ng Hukumang ito na ang nasasakdal, si Inocente Walangmalay, ay walang sala. Case dismissed!
(Ipupukpok ng Hukom ang gavel sa kahuli-hulihang pagkakataon. Ang mesa ng Hukom ay magigiba. Aalis na ang Hukom. Ang lahat ay lalapit sa unahan at kakamayan si Inocente at ang abogadong Tagapagtanggol. Isa-isang mag-aalisan ang mga tao habang nagliligpit ng gamit ang Tagapagtanggol. Darating ang mga press reporters at photographers. Pupuwesto ang mga photographers, ihahanda ang mga kamera. Ilalabas ng mga reporters and kanilang lapis at kwaderno, ang iba ay may micro cassette recorders. Isang reporter ng telebisyon ang lalapit at kakapanayamin si Inocente.)
TV Reporter : Mr. Inocente Walangmalay. “Live” po tayo sa television broadcast ng programang “Hoy, Kahoy!” at tayo ho ay sinusubaybayan ng milyun-milyon nating tagapanood sa kani-kanilang tahanan sa iba’t ibang panig ng ating bansa. Mr. Walangmalay, ngayong kayo’y napawalang-sala ng Hukuman sa kasong ibinibintang sa inyo, ano po ba ang masasabi ninyo?
Inocente : Ha?
(Habang nakanganga si Inocente, sabay-sabay na nagkikislapan ang mga flash bulbs ng mga press photographers. Mananatili ang lahat sa kanilang akto, walang kikilos – naka-”freeze” na parang mga estatwang yelo... habang ibinababa ang tabing.)
–– Wakas ––
March 18, 1997
Biñan, Laguna
Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.