ANG TRUE LOVE NG BUHAY KO

ni Josephine Castelltort-Jaylo

​

​

lberto, ngalan ng asawa kong macho

bunso at junior ng tatay niyang si Berto,

nais ko lang sa munting tulang ito,

ugali at kalooban niya’y maisalarawan ko.

​

otto boy siya ngayon, sa pagtaya nagbabakasakali

nang ang pangarap yumaman upang maibahagi,

ay matupad sa isang iglap, eh di mapera siya palagi,

nang mahal sa buhay matulungan, ina’t asawang sintang tangi.

​

uti niya’y nasa puso, bagama’t tago at di showy siya,

kenkoy siya at makuwento kung palagay na ang loob niya,

sa mayayabang at mapanglait muhi siyang talaga,

“Lumagay ka sa dapat mong lagyan”, motto niya sa tuwina.

​

sposo kong ALBERTO, paanong magmahal tanong nila,

ah, loving, caring, understanding, faithful din, JHUN-style siempre pa.

Thanks kay Lord nairyan siya, buhay ko ay sumaya,

mahal niya ako, mahal ko siya, magpawalanghangganan sana.

​

urok ng pangarap niya kung tila mandin di niya pa naabot,

marahil ay di pa ukol, kaya’t huwag kang nalulungkot,

mithiin ng tao sa buhay sadyang lahat yata’y di ipinagkakaloob,

ng Diyos na marunong sa lahat upang tayo’y sa Kanya’y di makalimot.

​

iwala sa Diyos na lubos at takot na sa Kanya’y magkasala,

atking nasubok na, kung kaya nagtiwala rin sa kanya

at sa pag-ibig na alay nga nitong pogi ko daw asawa, anong palad ko na din, 

          pogi na’y mabait pa,

lamang kung magkaminsan, masamang magalit at barumbado din pala.

​

kay siya siempre, dahil siya pala ang tunay na Partner ko,

na kaloob ni Lord sa dasal kong bigyan ng Lover Boy ako;

di naman ako nagsisisi, sa piling niya’y maligaya ako,

sa paano pala’y si ALBERTO ang TRUE LOVE ng buhay ko.

​

​

HONEY

A

L

B

E

R

T

O

Copyright 1976-2019 © Rafael A. Pulmano Contact

affiliate_link