DOON PO SA AMIN, BAYAN NG MATIISIN

Dalawang-yugtong dula mula sa panulat ni

Joaquin R. Velasco

​

Katapusan ng Dula – Pahina 9

FIRE CHIEF:

Ano ang magagawa! Pinaderan pala ninyo ng mataas iyong mismong ilog at gayon din ang inyong bakod, saan kami daraan para kukuha ng tubig?

​

BARETA:

Subali't ang pera ko roon, Hepe, iligtas mo at ang kalahati ay iibibigay ko sa iyo. Ang lahat ng pera ko’y nasa kaha de yero.

​

FIRE CHIEF:

Ah, wala na ho! Nakita ko nang tungkabin ng inyong mga tauhan at kinuhang lahat ang laman.

​

BARETA:

Ang mga walang hiya!

​

FIRE CHIEF:

Diyan na muna kayo at ako'y nagmamadali! (HASTILY EXITS. BARETA APPROACHES SECRETARY.)

​

BARETA:

Nariyan ba iha si Meyor?

​

VALDEZ:

Wala na hong magagawa sa inyo si Meyor ngayon. Suspendido hong lahat ang mga namumuno dito sa Matiisin, nasa ilalim na hu tayo ng PC.

​

BARETA:

Ano ba naman ang nangyayaring ito....?

​

(MISS GUZMAN, LUCY AND ANOTHER TEACHER ENTER.)

​

GUZMAN:

Miss Valdez, magtatanong lamang kami kung may makukuhang mga gamit pang-first aid dito.

​

VALDEZ:

Hindi ko alam, Miss Guzman, wala naman ho kasing nagmamakaalam niyan dito eh. Saan ba ninyo gagamitin?

​

GUZMAN:

Sa mga tumulong sa pagpatay ng sunog na napinsalaan.

​

VALDEZ:

Magtanong na hu kayo sa mga tao sa loob, baka mayroon silang nalalaman.

​

BARETA:

Miss Guzman, baka naman maaaring malunasan din ninyo itong aking mga pasa sa katawan... Babayaran ko kayo pagkatapos lamang nitong gulong nangyari sa akin.

​

GUZMAN:

Wala pa ho kaming klinika, Don Bareta. Pumunta lamang kami rito upang magbakasakaling may gamot ngang magagamit sa mga napinsalaan sa sunog.

​

BARETA:

Tulungan ninyo ako Miss Guzman.

​

GUZMAN:

Titingnan hu namin kung may makukuhang gamot, at huwag kayong mag-alala, hindi kayo kailangang magbayad kung may makukuha lamang kaming panlunas sa inyo.

​

BARETA:

Maraming salamat... Ipinangangako ko sa inyong ako na ang magpapagawa ng klinika at hindi na kayo kailangang mangilak.

​

(THE TEACHERS GO TO INTERIOR. CAPTAIN VILORIA, THE MAYOR AND THE CHIEF OF POLICE COME OUT OF THE OFFICE. BARETA SEEMS TO REJOICE UPON SEEING THE MAYOR.)

​

BARETA:

Mayor! Narito ka pa pala eh, and sabi'y... wala na kayo. Bakit pinabayaan mo na yata ako?

​

MAYOR:

(TO BARETA) Sandali hu lamang.

​

(TO CAPTAIN VILORIA, POINTING AT MISS VALDEZ) Captain, siya ang aking sekretarya.

​

VILORIA:

Kyo pala... Kami'y aalis muna subali't babalik ako. Hintayin lamang sana ninyo ang aking pagbabalik.

​

VALDEZ:

Opo, Captain.

​

VILORIA:

(TO A PC CORPORAL) Nakahanda na ba ang sasakyan, Kabo?

​

CORPORAL:

Yes, Captain!

​

VILORIA:

(TO CORPORAL) Tawagin mo na sina Sarhento at ang tresurero sa loob.

​

(CORPORAL WALS INSIDE. THE SARGEANT BRINGS ISKA IN FRONT OF VILORIA.)

​

SARGEANT:

Captain, eto ho iyong asawa ng binaril.

​

ISKA:

Ginoo, kaawaan naman po sana ninyo ang aming kalagayan sa bayang ito. At bigyan sana ng katarungan ang buhay ng aking asawa.

​

VILORIA:

Huwag kayong mag-alala... Ang lahat hu ng bagay sa bayang ito ay mapapatumpak. Tanggapin ninyo ang aking pakikihati sa inyong dalamhati sa pagkamatay ng inyong asawa. Ako hu'y babalik at mag-uusap tayo.

​

(THE TREASURER AND PC CORPORAL COME TO VIEW.)

​

O tayo na!

​

(BEFORE THE GROUP MOVES OUT THE CIVILIANS ALSO APPEAR IN THE SCENE AND UPON SEEING BARETA ACT TO MUG HIM.)

​

RELEASED PRISONERS:

Narito pala ang walang hiya! Iyan ang dapat patayin!

​

(THE PC'S STOPPED THEM.)

​

VILORIA:

Magpakahinahon kayo!

​

(POINTING AT BARETA) Bakit ba, Meyor, sino ba ang taong ito?

​

MAYOR:

Siya ho ang may-ari ng palaisdaan.

​

VILORIA:

Ah, kung gayo'y kailangan din pala kayong sumama sa Kampo Crame.

​

BARETA:

At bakit ho?

​

VILORIA:

Sa sasakyan ko na ho ipaliliwanag sa inyo!

​

BARETA:

Mabuti na nga hong sumama ako kaysa maiwanan ako sa mga taong ito...

​

VILORIA:

At sa inyong mga taga Matiisin! Dapat ninyong mabatid na hindi maaaring ipahintulot ni Pangulong Marcos na panatilihin pa sa tungkulin ang mga namamahalang ang kalawang ng Lumang Lipunan ay nananatili pa sa kanilang katauhan. Tena kayo!

​

(AS THE PC POSSE, THE MAYOR, TREASURER, AND POLICE CHIEF START TO WALK TO EXIT, THE PEOPLE LEFT IN THE SCENE SHOUT.)

​

ONE MAN:

Dapat na parusahan hong lahat iyan!

​

ANOTHER:

Mabuhay ang Pangulong Marcos at ang Bagong Lipunan!

​

ALL:

Mabuhay!

​

CURTAIN CLOSES.

​

–– THE END ––

​

Pahina  [1]  [2]  [3]  [4]  [5]  [6]  [7]  [8]  [9]

TUNGKOL

SA SAYT NA ITO

Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.

Copyright 1976-2019 © Rafael A. Pulmano Contact

affiliate_link