DOON PO SA AMIN, BAYAN NG MATIISIN

Dalawang-yugtong dula mula sa panulat ni

Joaquin R. Velasco

​

Karugtong ng Dula – Pahina 8

MAYOR:

Kailangang madakip ang mga nanunog!

​

MUNDA:

Meyor, paano ho kaya ang mangyayari sa aking anak?

​

MAYOR:

Aba, si Chief ang inyong tanungin... eto nga't nanlalaki na ang ulo ko eh.

​

(CHIEF OF POLICE ENTERS WITH ISMAEL, WHO IS GROGGY, FOLLOWED BY THE SARGEANT AND HIS MEN ESCORTING THE TWO DRUG PUSHERS. MUNDA IMMEDIATELY APPROACHES ISMAEL.)

​

MUNDA:

Anak, bakit ka gumawa ng ganyan?

​

CHIEF:

Huwag mo siyang tanungin dito, Munda, bayaan mo kami.

​

MAYOR:

(POINTING AT DENCIO AND SELO) O, sino naman ang mga ito?

​

CHIEF:

Sila ho ang nagkakalat ng marihuwana sa mga eskuwela kaya pati anak ko'y naging addict.

​

SELO:

Aba Chief, bakit naman kami lamang ang ipapahamak mo? Hindi ba't kasama ka namin?

​

CHIEF:

Anong kalokohan ang mga pinagsasabi mo?

​

(TO SARGEANT) Sige, Sarhento, ikulong ang dalawang iyan!

​

(THE TWO PUSHERS ARE HERDED INSIDE, FOLLOWED BY THE CHIEF OF POLICE, MUNDA AND ISMAEL. THE TWO DRUG PUSHERS CONTINUE ARGUING AD. LIB. AS THEY WALK INSIDE. MAYOR ACTS TO GO TO HIS OFFICE SHAKING HIS HEAD DISGUSTEDLY, BUT WAS CALLED BY PC CAPTAIN VILORIA WITH TWO PC SOLDIERS WHO ENTER THE SCENE FROM A SDE. CHIEF WAS LEFT WITH MAYOR.)

​

VILORIA:

Mayor, mabuti't narito kayo!

​

MAYOR:

Aba, Captain Viloria, ano po ang atin?

​

VILORIA:

(HANDING A SHEET OF PAPER TO THE MAYOR) Tumanggap ho si Col. Esguerra, ang ating provincial commander, ng order buhat kay Minister Enrile na ipinasusupinde ang lahat ng mga namiminuno dito sa Matiisin at ipinaiilalim na pansamantala sa PC. Ako ho ang naatasang mangasiwa at magpatupad.

​

MAYOR:

(AFTER READING THE ORDER) Bakit kaya, Kapitan?

​

VILORIA:

Matagal na ho palang lihim na minamatyagan ng ministri ang mga nangyayari sa bayang ito kaya't nang may nag-long distance call doon tungkol sa pagbaril sa isang mamamayan dito ngayong umaga ay maagap na gumawa agad ng order na iyan.

​

MAYOR:

Kapitan, malamang na iyan ay isang pakanang politikal lamang!

​

VILORIA:

Wala ho ako sa katayuan upang sagutin iyan. Sa Kampo Crame na ninyo ipaliwanag pagka't pinaiimbitahan kayong lahat na namiminuno rito upang dalhin doon ngayon din.

​

CHIEF:

(AFTER HEARING ALL) Di ang departamento ko pala ay mapapasailalim na ng PC buhat ngayon?

​

VILORIA:

Hindi ho pagka't suspendido kayong lahat pati ang inyong kuwerpo ng polisya at ang mga PC ang tutungkol bilang mga pulis. Sasama rin kayo, Hepe, sa Kampo Crame.

​

(TO THE MAYOR) Ang inyong tresurero, Meyor, nasa opisina ba niya?

​

(AT THIS JUNCTURE THE TREASURER WILL BE SEEN COMING FROM INTERIOR.)

​

MAYOR:

Oho. Ayun ho't paparito.

​

TREASURER:

(UPON NEARING THE GROUP) Aba Captain Viloria...

​

MAYOR:

Ipinaiilalim na sa PC buhat ngayon ang Matiisin.

​

TREASURER:

Di mabuti. Mapangangalagaang lalo ang katahimikan ng bayan.

​

MAYOR:

Subali't suspendito ang lahat ng opisyal ng bayan.

​

TREASURER:

Ah, ganoon ba? Pero hindi ako kasama riyan....

​

VILORIA:

Kasama ho at eto ang order (HANDING ANOTHER PAPER) upang selyuhan ang inyong kaha.

​

(TO A PC CORPORAL) Kabo, isama mo si Tresurero sa kanyang opisina at sa harap niya ay selyuhan mo ang kaha.

​

TREASURER:

Aba, Captain, ano ang kinalaman ko sa pamamalakad ng bayan?

​

VILORIA:

Sa pamamalakad ho ng bayan ay wala, nguni't sa paghawak sa kaban ng bayan ay mayroon. Ang order na dala ko'y buhat sa Ministri ng Pananalapi.

​

CORPORAL:

Tena Tresurero...

​

VILORIA:

At kasama rin kayo sa pagpunta sa Kampo Crame ngayon.

​

TREASUER:

Ho? Bakit naman pati ako'y kailangang pumunta pa roon?

​

VILORIA:

Iyan ho ang utos ni Minister Enrlle at kami ay tumutupad lamang.

​

(CORPORAL, WITH TREASURER, WALKS TOWARDS INTERIOR.)

​

MAYOR:

Kapitan, ito ay isang harassment pagka't natitiyak kong wala silang ebidensiyang maihaharap laban sa amin.

​

VILORIA:

Mayroon, Meyor. Nadakip na namin ang mga ahente at maintainer ng mga bookies dito na siyang nagsasangkot sa inyong lahat. Naroon na sila sa Kampo Crame kaya nga kayo pinaaanyayahang lahat upang kayo ay papagharapin. Mabuti ho'y tena na sa loob ng inyong opisina at nang malagdaan ninyong lahat ang pormal na pagsasalin sa amin ng inyong mga kungkulin... pati ikaw, Hepe.

​

(THEY ACT TO GO BUT WAS INTERRUPTED BY THE ARRIVAL OF TWO PC SOLDIERS ESCORTING TWO MEN WITH HANDCUFFS.)

​

1ST SOLDIER:

Kapitan, ito hong dalawang ito ang bumaril!

​

2ND SOLDIER:

At ito ho ang kanilang mga ginamit. Nadakip namin sila habang naghuhukay upang kanilang ibaon.

​

1ST SOLDIER:

Sinabi rin ho ng mga tao na iyong asawa ng binaril na pinakokontak ninyo sa amin ay dinala ng mga pulis dito, kaya dito na ninyo siya makakausap.

​

VILORIA:

Ah ganoon... Sige, ikulong ninyo ang dalawang iyan at pagkatapos namin nina Meyor at Chief ay saka ko kakausapin iyong asawa. Tena Meyor, Hepe.

​

(THE SOLDIERS DID AS ORDERED. THE THREE –– CAPTAIN, MAYOR, CHIEF –– WALK ALSO TOWARDS INTERIOR. WHEN ALL HAVE EXITED, FIRE CHIEF WILL ENTER FROM A SIDE AND PASSES IN FRONT OF THE SECRETARY.)

​

VALDEZ:

Chief, naapula na nga ba ang apoy?

​

FIRE CHIEF:

Iyong dito sa bayan, pero iyong bahay ni Don Bareta ay natalpog na lahat.

​

VALDEZ:

Masama ho ang nangyari sa ating bayan...

​

FIRE CHIEF:

Bakit, ano ang nangyari?

​

VALDEZ:

Ipinailalim na ho ni Minister Enrile sa PC itong Matiisin. Suspendido hong lahat ang opisyales at isasama sa Kampo Crame ngayon.

​

FIRE CHIEF:

Siya nga ba?

​

VALDEZ:

Oho. Naroon ho sina Meyor at Hepe sa loob at pinapipirma ng PC sa pagsasalin ng kapangyarihan, at pati ang kaha ni Tresurero ay kasalukuyang sineselyuhan.

​

FIRE CHIEF:

Aba, kung gayo'y uuwi muna ako at baka pati ako ay masangkot... Kaya pala nakita kong dinakip ng mga PC iyong bumaril kay Mang Ilyo. Diyan ka muna... 

​

(THE FIRE CHIEF ACTS TO GO BUT WAS INTERRUPTED BY THE ARRIVAL OF DON BARETA, ENTERING FROM A SIDE, WALKING LAMELY AND WITH GUSHES ON HIS FACE.)

​

BARETA:

Mr. Mausok, bakit naman ninyo binayaang matalpog ang bahay ko?

​

​

TATAPUSIN >>>

​

Pahina  [1]  [2]  [3]  [4]  [5]  [6]  [7]  [8]  [9]

TUNGKOL

SA SAYT NA ITO

Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.

Copyright 1976-2019 © Rafael A. Pulmano Contact

affiliate_link