Dalawang-yugtong dula mula sa panulat ni
Joaquin R. Velasco
Karugtong ng Dula – Pahina 2
GARBO:
(TAKES A SMALL GIFT BOX FROM POCKET AND THROWS IT IN FRONT OF THE SECRETARY.) Miss Valdez, para sa iyo.
VALDEZ:
Aba, Atty. Garbo, kayo pala... Thank you for this.
GARBO:
Si Meyor, naandiyan ba?
VALDEZ:
Oho, tuloy kayo.
(GARBO WALKS INTO THE DIRECTION OF THE MAYOR'S OFFICE.)
ISKA:
Eh bakit hu iyon (POINTING AT GARBO'S DIRECTION) ngayon lamang dumating, pinapasok ninyo?
VALDEZ:
Eh abogado hu iyon eh.
ISKO:
Iyan ho ang masama rito sa ating bayan. Kung makatutulad lamang tayo sa isang bayang hindi naman kalayuan dito sa atin ay malamang na maunlad na rin sana itong bayan natin.
VALDEZ:
Aling bayan ang tinutukoy ninyo?
ILYO:
Ang bayan ho ng Biñan. Balita po na mas tinitingnan kaagad ng kanilang punung bayan ang paglapit ng mga mamamayan at maunlad pati ang bayan kaya't ang lahat ay nasisiyahan.
VALDEZ:
Bakit hindi pa kayo doon mamayan?
ILYO:
Talaga hong aming pinag-iisipan, kung bakit nga lamang dito sa Matiisin kami ipinanganak pa.
VALDEZ:
Eh ano nga hu ba ang inyong lakad? Sabihin ninyo sa akin at ako na ang magsasabi kay Meyor.
ILYO:
Tungkol ho doon sa ilog na katapat ng lupa't bahay ni Don Bareta.
VALDEZ:
Eh ano ho ang nangyari sa ilog, nawala ba?
ILYO:
Hindi ho ganoon. Matagal na hu naming ipinabatid kay Meyor na nilagyan ng palaisdaan ni Don Bareta ang ilog na kanyang katapat.
VALDEZ:
Iyon pala namang katapat niya ang kanyang nilagyan eh... kung may permiso hu siya ay wala tayong magagawa roon.
ISKA:
Subali't hinalangan na po niya ng mataas na pader na konkreto ang buong ilog at kaming mga nangingisda roon ay hindi na makalampas patungo sa Wawa.
ILYO:
At pag nagkataong lumaki ang tubig ay tiyak na babaha sa mismong kabahayan.
VALDEZ:
Hindi naman siguro mangyayari iyon pagka't bihirang lumaki ang tubig sa ating ilog at hindi tumataas sa pampang.
ISKA:
Ang depirensya ho, ay baka magkamatayan ang mga mangingisda at mga tauhan ni Don Bareta na ayaw ipatibag ang konkretong pader upang makalampas ang mga bangka.
VALDEZ:
Hindi hu naman siguro magiging ganoong kapusok ang mga tao roon.
ILYO:
Puro kayo sa hindi siguro naman ang anuman, ano pa ang inyong magagawa kung mangyari na?
ISKA:
Kaya namin ibig maparating agad ito kay Meyor ay upang magawa niya agad ang nararapat.
VALDEZ:
Hayaan ninyo at pararatingin ko agad kay Meyor ang inyong sinabi.
ILYO:
Eh paano hu namin malalaman doon kung may lunas na ginawa na si Meyor?
VALDEZ:
Ako na hu ang bahala sa pagpaparating sa inyo ng desisyon ni Meyor.
(THE MAYOR WITH THE POLICE CHIEF AND ATTY. GARBO CAME OUT FROM THE OFFICE.)
MAYOR:
(AS THEY WALK OUT) Hayaan mo Attorney at ako na ang bahala.
GARBO:
Aasahan ko Meyor and thank you. (WALKS TO EXIT.)
ISKA:
Meyor, gusto sana namin kayong makausap.
MAYOR:
Aba, kayo pala, Aling Iska, Mang Ilyo. Bakit kayo napasalidang mag-asawa?
ILYO:
Tungkol nga ho sa ilog na katapat ni Don Bareta na matagal na naming sinabi sa inyo.
MAYOR:
Eh, marami lamang akong ginagawa, maaari bang magpaibang araw na natin pag-usapan iyan?
ILYO:
Eh kailangan hu agad ang madalian ninyong aksiyon, pagka't lumulubha ang pagbabangga naming mga nangingisda at ng tauhan ni Don Bareta.
MAYOR:
Kung gayon, sabihin na lamang ninyo sa aking sekretarya ang lahat at ako na ang bahala.
VALDEZ:
Nasabi na hu nila sa akin.
MAYOR:
Iyon pala naman eh, sabihin mo sa akin pagbabalik ko. Mayroon lamang akong mahalagang pupuntahan. Diyan muna kayong mag-asawa, at asahan ninyo ang aking pagtulong sa inyong kaso. (WALKS TO EXIT.)
VALDEZ:
(TO ISKA AND ILYO) Nakita n'yo na, sabi sa inyo't hindi natin siya maaabala eh. Umuwi na kayo at ako na hu ang bahala.
(ILYO AND ISKA WALKS OUT IN DISGUST – APPROACHES FRONTAL MICROPHONE.)
ILYO:
Iska, nagsisisi ako...
ISKA:
Saan ka nagsisisi?
ILYO:
Kung bakit nakaboto pa ako... eto, matapos mo silang mailuklok, para na tayong basura.
ISKA:
Ikaw kasi eh. Sinabi ko na sa iyong lumipat na tayo sa Biñan pagka't mabuti ang pamamalakad at pamumuhay doon, ikaw ang ayaw.
ILYO:
Eh paano'y dito tayo sa Matiisin ipinanganak!
ISKA:
Kaya magtiis ka! Isa pa, tingnan mo 'yang bihis mo, kung alin pa ang tagpian ay siya mong isinuot. Sinabi ko na sa iyong hiramin mo iyong barong ni Pareng Islaw, hindi mo hiniram.
ILYO:
Ano bang hindi? Eh sira na raw eh. At ikaw, tingnan mo ang ayos mo, ang pambahay at siya mo ring panlakad.
ISKA:
At mayroon ka bang binili para sa aking panlakad? Hindi ba dadalawa itong pinagpapalit kong pambahay, panlakad at siya ring pantulog?
ILYO:
Siya, siya... Tayo na nga. Kung hindi pa lulunasan ni Meyor ang lahat ay bahala nang magkalintikan! (WALKS FOR EXIT A FEW STEPS BUT ENCOUNTERS SELO AND DENCIO.)
DENCIO:
Mang Ilyo, galing yata kayo sa loob... Nariyan ba si Hepe?
ILYO:
Ewan! (CONTINUES WALKING TO EXIT. DENCIO SEEMS TO TALK TO ISKA WHO IS LOOKING AT HIM AND WITHOUT WAITING TO WHAT DENCIO HAS TO SAY.)
ISKA:
Ewan din! (FOLLOWS ILYO TO EXIT.)
DENCIO:
Aba Selo, ano ba ang nangyari sa mag-asawang iyon? (AT THIS INSTANT, THE CHIEF IS NOT SEEN THRU THE WINDOW.)
SELO:
Ano ang malay ko. Dencio, teka, hindi ko nakikita si Hepe. Baka umalis o kaya'y nasa loob.
DENCIO:
Kailangang hintayin natin.
TUNGKOL
SA SAYT NA ITO
Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.