DOON PO SA AMIN, BAYAN NG MATIISIN

Dalawang-yugtong dula mula sa panulat ni

Joaquin R. Velasco

​

Karugtong ng Dula – Pahina 3

SELO:

Bakit di natin itanong kay Sekretari kung umalis?

​

DENCIO:

Masamang malaman ni Sekretari ang ugnayan natin ni Hepe.

​

SELO:

Masama rin namang hindi natin maibigay kay Hepe ang ganang kanya.

​

DENCIO:

Kaya nga, kailangang hintayin natin siya. Teka Selo... Ako'y nakapagpalusot ng limampung sigarilyo sa pinapasukan ng anak ni Hepe. Baka magalit iyon sa atin kung malaman niyang hindi natin sinunod ang kanyang bilin na huwag tayong mag-aalok sa eskuwelahang pinapasukan ng kanyang anak na binatilyo?

​

SELO:

Itong si Dencio, oo... Loko ka bang aaminin mong nagbili ka roon? Ano ang magiging kapanagutan natin kung may estudyante sa ibang eskuwela na nagdala roon?

​

DENCIO:

Siya nga, ano. (THE CHIEF WILL BE SEEN THRU THE WINDOW COMING FROM INSIDE. HE WAS SEEN BY THE TWO.)

​

SELO:

Naandiyan pala si Chief eh... (CALLS HIM.) Chief!

​

CHIEF:

(SEEING THE TWO) Ah, kayo pala. Teka't lalabas ako riyan. (CHIEF WALKS OUT FROM OFFICE.) Ano, kamusta ang lakad?

​

DENCIO:

Mabuti ho, at dala na nga namin iyong para sa inyo.... (HANDS AN ENVELOP. THE CHIEF LOOKS AROUND BEFORE ACCEPTING THE ENVELOP.) Kayo na ho ang bahalang magbigay sa mga dapat bigyan.

​

CHIEF:

Areglado. Pero iyong bilin ko sa inyo ha... Baka kayo nagdadala doon sa eskuwelahan ng anak ko ay ma-addict iyon.

​

SELO:

Aba hindi ho. Mapuwerang may barkada siya sa ibang eskuwela.

​

CHIEF:

Ah, eh hindi na ninyo sagot iyon. (THE CHIEF'S SON ISMAEL WITH A COMPANION NAMED BEN ENTERS FROM A SIDE.)

​

DENCIO:

Ay, ayan pala ang anak ninyo Chief eh. Lalakad na kami.

​

CHIEF:

Oh sige... (DENCIO AND SELO EXIT – MEETS SON.) O, ano Ismael, bakit ka naparito, hindi ka ba pumasok?

​

ISMAEL:

Pumasok ho, kasama ko nga itong kaeskuwela ko eh...

​

BEN:

Magandang tanghali po, Chief.

​

CHIEF:

Magandang tanghali naman. O, may kailangan ba kayo sa akin?

​

ISMAEL:

Ako ho. Kailangang-kailangan ko ang pera ngayong hapon... Humihingi naman ako kay Nanay ay wala raw siyang pera at kayo na nga raw ang puntahan ko.

​

CHIEF:

Bakit, may bibilhin ka ba na naman? Hindi ba nuong makalawa lamang ay beinte singko ang hiningi mo sa akin at ibibili mo wika mo ng libro? Ni hindi mo ipinakikita sa akin iyong binili mo eh...

​

ISMAEL:

Eh paano ho'y hiniram noong kaeskuwela kong babae.

​

CHIEF:

Ano? Kabibili mo pa para iyo ay ipinahiram mo na?

​

ISMAEL:

Hindi maaaring hindi ko siya pahiramin pagka't pinahihiram din niya ako ng wala ako at malimit na siya pa ang nagtuturo sa akin ng aming leksiyon.

​

CHIEF:

O, eh magkano naman ang kailangan mo?

​

ISMAEL:

Isang daan ho sana eh....

​

CHIEF:

Ano? Isang daan? At ano naman ba iyang bibilhin mo?

​

ISMAEL:

Mga gamit ho sa aming lab at malamang na baka kulangin pa rin iyan. Ayan tanungin ninyo si Ben.

​

BEN:

Talaga hong maraming ipinabibili sa amin para sa aming mga eksperiment.

​

CHIEF:

Kung gayo'y bukas mo na bilhin at bibigyan kita mamayang gabi pag-uwi ko. Lumakad na kayo at mayroon pa akong gagawin sa opisina. (WALKS STRAIGHT TO INTERIOR OF HIS OFFICE OFF SCENE.)

​

ISMAEL:

Paano iyon Ben, mamaya pa raw ako bibigyan ni Itay. Bigyan mo na ako at bukas ko iaabot sa iyo ang bayad.

​

BEN:

Aba, hindi maaari. Kabilinbilinan sa akin noong pusher na huwag kong ipauutang.

​

ISMAEL:

Bakit noong una, binibigyan pa niya ako ng libre?

​

BEN:

Noong una, mahirap daw ngayong maglusot eh. Tena na at baka pa ako sumabit dito. 

​

(BOTH WALK TO EXIT BUT MEET MISS GUZMAN, A TEACHER WITH TWO COMPANIONS.)

​

ISMAEL & BEN:

Good morning Miss Guzman, at sa inyo rin.

​

TEACHERS:

Good morning...

​

GUZMAN:

Galing yata kayo sa munisipyo, nariyan ba si Meyor?

​

ISMAEL:

Galing ho lamang kami sa tatay ko, hindi ho namin alam kung nariyan si Meyor.

​

GUZMAN:

O, sige, salamat. (ISMAEL AND BEN CONTINUE TO EXIT WHILE THE TEACHERS APPROACH THE SECRETARY.) Magandang araw, Miss Valdez...

​

VALDEZ:

Aba, ang magaganda at masisipag pala naming titsers! Magandang araw naman.

​

LUCY:

Ito namang si Miss Valdez kung magsalita, kung kami ba'y kasing ganda mo eh, di tanggap ko na.

​

GUZMAN:

Nandiyan ba si meyor, Miss Valdez?

​

VALDEZ:

Umalis eh, pero babalik. Kung ibig ninyo'y hintayin na ninyo siya sa loob. 

​

(THE TEACHER'S INTENTION TO ENTER THE OFFICE WAS INTERRUPTED BY THE ARRIVAL OF DON BARETA WITH CANE.)

​

BARETA:

Miss Valdez, nariyan ba si meyor? 

​

(LUCY GESTURES AT MISS GUZMAN POINTING BARETA.)

​

VALDEZ:

Umalis ho...pero babalik. Hanap din nga ho sila nila eh. Maghintay na kayong lahat sa kanyang opisina. 

​

(MISS GUZMAN APPROACHES DON BARETA.)

​

GUZMAN:

Magandang araw po, Don Bareta.

​

BARETA:

Magandang araw naman. Hindi ba kayo'y mga titser dito sa Matiisin?

​

ALL TEACHERS:

Opo.

​

LUCY:

Pupuntahan talaga sana namin kayo sa inyo, mabuti't nagkita na tayo rito.

​

OTHER TEACHER:

Marahil ay talagang sinusuwerte tayo.

​

BARETA:

Bakit? Ano ba ang sasadyain ninyo sa akin? Dine na tayo mag-usap sa labas at nang hindi tayo makaistorbo kay sekretarya. 

​

(ALL WALK TO THE MICROPHONE IN FRONT OF STAGE.)

​

MISS GUZMAN:

Alam ninyo Don Bareta, kaming mga guro ay naatasang mangilak para makapagpagawa ang ating bayan ng kahit na isang maliit na klinika para makapagpagamot ang sino mang mamamayan dito sa atin lalo na ang mga maralita, nang walang bayad.

​

LUCY:

At ang inyong maitutulong ay magiging mahalaga sa ating mga kababayan.

​

MAY KARUGTONG >>>

​

Pahina  [1]  [2]  [3]  [4]

TUNGKOL

SA SAYT NA ITO

Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.

Copyright 1976-2019 © Rafael A. Pulmano Contact

affiliate_link