SAN MIGUEL ARKANGHEL

​

Isang-yugtong dula mula sa panulat ni

Rafael A. Pulmano

​

A project of the SMCL Cultural Affairs Unit chaired by Mr. Rizaldy Teñido

Written by Mr. Rafael A. Pulmano, TELON Adviser

Directed by Jonathan Marquez

​

​

Karugtong ng Dula – Pahina 2

​

​

ANGEL NO. 1:

Yung isa kasi naming kasamang anghel, si Lucifer, nasobrahan yata ng bilib sa kanyang sarili. Dahil alam niya na siya'y maganda, at alam din naman namin iyon, gusyo niya sa kanya lagi ang atensyon at paghanga ng lahat. Actually, kung tutuusin ay may "K" naman talaga siya. Sa katunayan noong hindi pa siya nagdedeklaara ng giyera, si Lucifer ang itinuturing na pinakadakila at kapuri-puri sa lahat ng anghel dito sa langit, hindi lamang sa kanyang kahanga-hangang kagandahan kundi maging pati na rin sa kanyang pambihirang katalinuhan na wala sino man sa amin ang makapapantay. Kaso, yun nga, nasobrahan yata ng bilib sa sarili, pati si Boss na Lumikha mismo sa kanya, ninamaliit niya ngayon dahil palagay mga nga niya ay siya ang mas magaling at siyang dapat tanghaling pinuno sa langit.

​

ERNIE PULBURON:

Ah, sandali lang, kasamang Lyka, pakitanong mo nga kung gaano kadami ang mga anghel na kasama ni Lucifer sa naglunsad ng rebelyon laban sa Diyos.

​

LYKA:

Yes, Ka Ernie. Teka...Eh, Ma'm, kayo po...masasabi nyo po ba sa ating mga tagapakinig kung gaano kadami ang mga nahikayat ni Lucifer na sumanib sa kanyang grupo para lumaban sa Panginoon?

​

ANGEL 2:

Marami ho. Napakarami ho kasi naming mga anghel na nilikha ng Diyos bago pa man nilikha ang daigdig at ang lahat ng naroon.

​

Bagama't kami'y mga espiritu dahil wala kaming pisikal na katawan na gaya ninyo, hindi mabilang ang aming dami. Ang iba sa amin kung tawagin ay anghel, pero nariyan din ang mga arkanghel na gaya nina Michael, Gabriel, at Raphael. Ang iba kung tawagin ay mga seraphim, cherubim, thrones, dominions, virtues, powers, at princes. Nang magrebelde si Lucifer, maraming anghel ang nahikayat ng kanyang mahusay na talumpati at matamis na karisma. Pero sa kabuuan, higit na marami pa rin kaming nanatiling tapat sa Diyos at kami ay nagkabuklud-buklod sa ilalim ng aming matapang na pinuno, walang iba kundi si Michael. At siyempre pa, kami – ang tropa ni Michael – ang nagwagi.

​

LYKA:

At yan, mga kababayan, ang ating interview sa dalawang anghel na kasapi sa pangkat ni Michael. Ka Ernie...?

​

ERNIE PULBURON:

Bueno, maraming salamat, kasamang Lyka Virgin ng Radyo Patrol No. 12-3/4.

​

LYKA:

Walang anuman, Ka Ernie.

​

ERNIE PULBURON:

Ang oras po natin, ganap nang ika-tatlumpu't isa at kalahati ng umaga (Sound). Isa munang patalastas.

​

(Commercial Break)

​

ERNIE PULBURON:

Patuloy kayong nakikinig sa palatuntunang Hoy! Ka-hoy!  (Hoy! Ka-hoy! jingle). Samantala, nasa linya po natin ang isang caller at regular listener sa ating programa. Hello...?

​

CORY:

Hello!  Good morning po, Ka Ernie Pulburon, at sa milyun-milyong tagapakinig ng inyong napakagandang programa.

​

ERNIE PULBURON:

Good morning din, iha. Ano nga pala'ng pangalan mo?

​

CORY:

Cory po.

​

ERNIE PULBURON:

Cory. Ang gandang pangalan. Kapareho pa ng kay former President Aquino. Ano'ng apelyido mo, iha?

​

CORY:

Cong po.

​

ERNIE PULBURON:

Cong!  Ang ganda rin ng apelyido mo. Nag-aaral ka pa ba, Cory Cong?

​

CORY:

Opo, sa SMCL po.

​

ERNIE PULBURON:

SMCL. Aba, magaling na school yan. Ano'ng year ka na, Cory?

​

CORY:

Fourth Year – St. Michael po.

​

ERNIE PULBURON:

Fourth YearSt. Michael... Ang galing mo pala! O ano, iha. May gusto ka bang batiin sa radio bukod sa ating mga tagapakinig?

​

CORY:

Gusto ko po sanang i-share sa mga nakikinig ng inyong programa ang aming paboritong dasal sa iskul. Ang Prayer to Saint Michael the Archangel. Kasi po, isini-celebrate namin ngayon ang kanyang feast day.

​

ERNIE PULBURON:

Prayer to Saint Michael the Archangel. Go ahead, iha. You're on the air.

​

CORY:

Saint Michael the Archangel, defend us in the day of battle. Be our safeguard against the wickedness and snares of the devil. May God rebuke him, we humbly pray. And thou, O prince of the heavenly host, by the power of God, cast into hell, Satan and all the other evil spirits, who prowl through the world, seeking the ruin of souls. Amen. Lord, that we may see!

​

ERNIE PULBURON:

What a wonderful prayer!  Salamat sa pag-share, Cory.

​

CORY:

Salamat din po. (Sound of phone being hung up.)

​

ERNIE PULBURON:

Bueno, mga kababayan, 71 minuto na po makalipas ang ika-13 ng umaga. Nasa impyerno po naman ang ating Radyo Patrol No. 13. Come in, Gavina.

​

GAVINA:

Salamat, Ka Ernie, at isang magandang umaga po naman ang ating pagbati sa mga tagapakinig. Yes, Ka Ernie, narito nga tayo ngayon at nagrereport nang live mula sa impyerno. Nakapapaso ang init ng temperatura rito, mga kababayan, at very low ang visibility. Napakadilim ng paligid at halos wala tayong gaanong makita maliban sa pabugsu-busgsong pagsambulat ng apos sa iba't ibang bahagi ng ating kapaligiran.

Kanina ay may nadaanan tayong matatalim na bangin at matatarik na burol, at sa tulong ating bitbit na high-powered flashlight ay nasaksihan natin ang mga nakagigimbal na tanawin.

Sa mga bangin ay maraming kaluluwang lulubog-lilitaw sa kumukulong mantika. May mga malulusog na bulati at uod pa tayong nakitang gumagapang sa mga gilid ng bangin. Ang mga kaluluwang lulubog-lilitaw sa naturang kumukulong likido ay hapis na hapis ang mga itsura at tila nagmamakaawa sa isang saglit, na dagling nagbabago at napapalitan ng labis na pagkapoot at pagkasuklam sa kanilang kalagayan. Naririnig din natin ang kanilang nakalulunos na pagtangis.

Sa mga matatarik na bundok naman, Kabayan, ay nasaksihan natin ang mga demonyong kampon ni Satanas na waring nagpipista, nagsasayaw at naghahagalpakan ng tawa habang tinutusok ng kanilang matatalim na salapang ang mga kapuspalad na kaluluwang nililitson sa apos na napakatindi ang init. Ang ilan sa mga kaluluwang nililitson ay nakatuhog sa bakal na puro kalawang, samantalang ang iba naman ay nakabitin nang patiwarik, at ang iba ay nakagapos sa alambre na parang murkon. Ah...Sandali lamang, Ka Ernie, at dumating na sa ating kinalalagyan ang lider ng mga demonyo, si Satanas.

Magugunita na si Satanas ay dating kilala sa tawag na Lucifer, isang anghel na ipinatapon dito sa impyerno matapos mapatunayang nagkasala sa krimeng insureksyon at rebelyon laban sa Diyos. Kasama ni Satanas ang napakaraming demonyo, demonyito at diyablo – mga kampon ng kadiliman na dati ring anghel pero dahil sa pagsapi nila kay Lucifer at paglaban sa puwersa ni Michael ay dito rin nasadlak sa impyerno.

Eto na siya, Ka Ernie, at atin ngayon siyang kakapanayamin. Magandang umaga sa inyo, Sir.

​

SATANAS:

Bah!  Dito sa impyerno ay palaging gabi at hindi uso ang umaga. Mwa-ha-ha-ha-ha...!

​

GAVINA:

Yes, Sir. I mean, Sir, live ho tayo ngayon na napapakinggan sa programang Hoy! Ka-hoy! at partikular po tayong sinusubaybayan ng mga taga-SMCL kung saan kasalukuyang ipinagdiriwang ang kapistahan ni Saint Michael the Archangel. Maaari po bang...

​

SATANAS:

Baaahhhhh!!!  Huwag mong mabanggit-banggit sa akin ang Michael na yan sapagkat malaki ang atraso sa akin ng sipsip na yan!  Huwag na huwag siyang magpapakita sa akin dahil babalian ko siya ng pakpak para gawing barbikyu. Masarap yon!  Mwa-ha-ha-ha-ha-ha...!

​

GAVINA:

Ano po bang atraso ang inyong tinutukoy, Sir?

​

SATANAS:

Sinira niya ang aking magandang plano! Kung hindi sana siya nakialam, dapat sana'y ako na ang nakaluklok sa trono ng kalangitan. Kayang-kaya ng aking mga sundalo na gapiin ang hukbo ng langit pero si Michael, ang sipsip na si Michael, ay mahilig magpalapad ng papel sa Pnginoon at nilabanan ako. Baaahhhhhhh!  Hinding-hindi ko mapatatawad ang Michael na yan habang ako'y nabubuhay! Hiniya niya ako sa harap ng maraming nilalang na espiritu!  Gwwrrrrrr!!!

​

ERNIE PULBURON:

Ah, kasamang Gavina...

​

GAVINA:

Yes, Ka Ernie?

​

ERNIE PULBURON:

Pakitanong mo nga kung ano talaga ang dahilan ng kanyang pagrerebelde sa Diyos?

TATAPUSIN >>>

​

Pahina  [1]  [2]  [3]

TUNGKOL

SA SAYT NA ITO

Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.

Copyright 1976-2019 © Rafael A. Pulmano Contact

affiliate_link