SAN MIGUEL ARKANGHEL

​

Isang-yugtong dula mula sa panulat ni

Rafael A. Pulmano

​

A project of the SMCL Cultural Affairs Unit chaired by Mr. Rizaldy Teñido

Written by Mr. Rafael A. Pulmano, TELON Adviser

Directed by Jonathan Marquez

​

​

Katapusan ng Dula – Pahina 3

​

GAVINA:

Ah, Sir. Ano ho ba talaga ang nagtulak sa inyo para magrebelde laban sa mismong Lumikha sa inyo?

​

SATANAS:

I was the most beautiful angel during my time. That's why they call me Lucifer, which means "morning star," "light-bearer." I used ot be the greatest, the most intelligent of them all. Sikat na sikat ako noon. Then, one day, isang araw, ay nagpatawag ng isang cabinet meeting ang Panginoon. Ipinakita Niya sa amin ang blueprint ng Kanyang plano tungkol sa paglikha Niya ng mundo. 

Lilikhain Niya ang kalawakan at himapapawid, ang araw, buwan at bituin, ang lupa at dagat, ang mga hayop at halaman, at alam kong kapag ang Panginoon ang gumawa, siguradong ang lahat ng iyo ay maganda. Pero okey lang, dahil pagsama-samahin man ang ganda ng lahat ng Kanyang nilikha, ako pa rin ang pinakamaganda!  Mwa-ha-ha-ha-ha...!

Pagkatapos, sa ikaanim na araw ay balak Niyang likhain ang tao, at diretsahan Niyang sinabi sa amin na lilikhain Niya ang tao na kawangis Niya. Hmphh!  Medyo nasaktan ang aking pride, dahil kahit isa sa aming mga anghel ay hindi binigyan ng Diyos nga ganito kalaking pribilehiyo – ang maging kawangis Niya.

Pero okey lang. Mas mataas pa rin ang estado namin kaysa tao.

Pagkatapos ay sinabi ng Panginoon sa amin na kami – take note – kaming mga anghel, na mas mataas at mas makapangyarihan kaysa tao, ang siya raw inaatasan Niya upang maging tagapagbantay at tagapangalaga at tagapagtanod sa mga mortal tao!  In short, mga guardian angels ang papel namin!  Can you imagine that?!!  

Alam kong ako'y lingkod ng Diyos, tagapagsilbi na dapat maging sunud-sunuran sa Kanyang kalooban. Pero ang maging tagapangalaga ng taong mas mababa ang uri kaysa amin?  Baaahhhhh!!!!  Hindi yata tama yan!

At hindi lang yan! Plano rin ng Diyos na pagkatapos ng pansamantalang paninirahan ng tao sa paraiso, dadalhin pa Niya ang mga ito sa langit para makasama namin. Sobra na, ang sabi ko sa aking sarili. Pero nakapagpigil pa rin ako. Besides, sapagkat ako'y napakatalino, nakaisip agad ako ng gagawin para masira ang plano ng Diyos. Mwa-ha-ha-ha-ha...!  

Sa paraiso, ako ay mag-aanyo bilang isang ahas, at tutuksuhin ko ang mga unang tao para kumain ng bunga ng prutas sa halamanan, na mahipit na ipinagbabawal ng Panginoon. Sa gayon ang tao ay magkakasala, at mawawalan na sila ng pag-asang makarating pa sa langit. Mwa-ha-ha-ha-ha...!

Pero wais ang Panginoon, alam Niya ang aking iniisip. Sa cabinet meeting ay sinabi Niya sa amin ang na kapag ang tao ay nagkasala, bibigyan pa rin Niya ito ng one more chance. Ipadadala umano Niya ang Kanyang Bugtong na Anak, si Jesus na tatawaging Kristo, ang Mesiyas na magkakatawang-tao at ipapako sa kurus upang hanguin at iligtas ang tao sa pagkakasala.

Nang marinig ko ang pangalang Jesus, nagpanting ang aking tainga! Nandito naman kaming mga anghel, kayang-kaya naming iligtas ang tao kung gugustuhin namin, bakit kailangan pang ipadala Niya ang Jesus na iyan?  Sino ba siya?

Ang sabi ng Diyos, si Jesus daw ang Daan, Katotohanan, at Buhay. Wala raw sino mang makararating sa Ama kundi sa pamamagitan niya. Eh, paano naman kami? Ano ang papel namin sa buhay?  Ibig sabihin, mas mataas pa sa amin ang Jesus na iyan? Baaaahhhh!

At eto pa: Sobra naman yatang napakaispesyal ng tao, sobra naman yata ang favoritism ng Diyos, sobra naman yata ang pagmamahal Niya sa mga mga mortal na nilalang na iyan! Dahil bukod sa ginawa na ng Diyos ang mundo at ang lahat ng naroon para ibigay sa kanila, at pati kaming mga anghel ay ginawa pang atsoy at alila nila na bubuntut-buntot saan man sila magpunta para tiyakin na hindi sila sasapitin ng anumang kapahamakan, ipadadala pa ng Diyos ang sariling Bugtong na Anak para iligtas sila sa sandaling sila ay magkasala!  Baaaaaahhhhhh!  Gggggggrrrrrrrrrr!!!  Sobra na talaga! Tama na!

​

GAVINA:

Eh, sandali lang, Sir... Sir...

​

SATANAS:

Tumahimik ka riyan!  Hindi pa ako tapos! Nang araw ding iyon pagkatapos ng cabinet meeting ay nagpatawag ako ng sariling pulong para sabihin sa mga anghel na kailangan nang baguhin ang konstitusyon dahil nanganganib na maagaw sa amin ang tao ang puwesto sa langit. Pero marami ang tutol sa charter change o cha-cha. Kaya hinikayat ko na lamang sila na sumama sa akin sa paglulunsad ng isang kudeta.

​

Marami akong nahikayat na anghel, at giniyera namin ang Diyos. Ang kaso, ang lintik na si Michael, ang sipsip na Michael na iyan!  Winasak niya ang aking plano!  Talagang pahamak sa akin ang Michael na yan!  Humanda siya!  Huwag na huwag siyang magpapakita sa akin... (Uubuhin nang malakas, sasapuhin ang dibdib at mahihirapang huminga. Lalapit ang isang diyablo, hihimasin ang likod ni Satanas.)

​

ERNIE PULBURON:

Radyo Patrol No. 13, paki-check ang iyong monitor. Nawawala ang iyong signal...

​

GAVINA:

Malinaw ang ating signal mula rito sa impyerno, Ka Ernie. I can hear you loud and clear. Pero biglang tumigil sa pagsasalita si Satanas. Sandali lang... (sa bagong dating na diyablo) Ah, Sir, ano ho ang nangyari? Bakit ho parang....?

​

DIYABLO:

(Pagalit)  Nagtatanong ka pa!  Hindi pa ba halatang very obvious? Sinusumpong ng hika si Boss!  Mwa-ha-ha-ha-ha-ha...!

​

GAVINA:

Narinig n'yo, Ka Ernie, mga kababayan... Dahil sa sobrang galit kay Michael the Archangel, sinumpong ng ashtma si Satanas, at nahihirapan siya ngayong huminga. Hanggang dito na lang muna tayo, Ka Ernie. Mula dito sa kailaliman ng impyerno, ito po si Gavina Lagim ng Radyo Patrol No. 13, nag-uulat.

​

(Music)

​

ERNIE PULBURON:

Maraming salamat, Gavina ng Radyo Patrol No. 13. Samantala, balikan po naman natin ang langit kung saan naroon din ang ating kasamang si Luwalhati Maninahon ng Radyo Patrol No. 3.75. Come in, Luwalhati.

​

LUWALHATI:

Salamat sa iyo, Ka Ernie. mga kababayan, kasama po natin ang idolo ng mga taga-SMCL, si Saint Michael the Archangel. 

Gaya ng ating nalalaman na, si Michael ang namuno sa hukbo ng mga anghel na buong giting na nakipaglaban sa pangkat ni Lucifer. Kung baga sa militar, si Michael ay hindi lang sundalo kundi isang Heneral. Siya ang itinuturing na tagapagtanggol ng kabutihan, at siya ang wika nga'y most powerful angel na nilikha ng Diyos.

Si Michael ang nagligtas kina Propetang Daniel at mga kaibigan mula sa mga mababangis na leon. 

May mga nagsasabi rin na si Michael ang anghel na nagpakita kay Maria upang ibalita ang nalalapit nitong pagpanaw sa lupa upang siguruhin na wala siyang dapat katakutan dahil pagsapit ng kanyang wakas ay si Michael mismo ang magdadala sa kanya sa langit. 

Si Michael rin ang pinaniniwalaang anghel na haharap sa huling araw ng Huling Paghuhukom o Last Judgment, kung kailan titimbangin niya ang kaluluwa ng mga mabubuti at masasamang tao upang alamin ang kanilang final destination. 

Narito nga po siya ngayon, mga kababayan, at ating makakapaniig sa isang exclusive interview. (Kay Michael) Good morning po, Sir. Bumati muna po kayo sa ating mga listeners. 

​

MICHAEL:

Good morning, Luwalhati; good morning, Ka Ernie, at good morning din sa mga nakikinig sa programang Hoy! Ka-hoy! lalung-lalo na sa mga estudyante, guro at pamunuan ng Saint Michael's College of Laguna, na nais ko rin ngayong pasalamatan dahil sa pagbibigay nila ng puwang, despite their hectic schedule, para gunitain at ipagdiwang ang aking kapistahan taun-taon. 

Partikular kong pinasasalamatan si Mr. Rizaldy Teñido dahil alam ko na malaki ang kanyang hirap upang makapagbuo ng isang programa para sa paaralan at para sa aking karangalan.

​

LUWALHATI:

Ah, Sir... Sa isang naunang interview ay nagbitaw ho ng banta ang inyong dating colleague na si Lucifer, na ngayon ay kilala bilang Satanas. 

Ang sabi niya, hindi raw niya makalilimutan ang ginawa ninyong pagkontra at pagkapahiya sa kanya, at kayo ang kanyang sinisisi sa pagkakasadlak niya sa impyerno. 

Nagbanta siya na oras na magkita raw kayo ay may masamang mangyayari sa inyo. Ano po ang inyong masasabi?

​

MICHAEL:

Unang-una, ako ay hindi natatakot kay Lucifer, kay Satanas, o kanino pa mang ahas na gaya niya. Ang aking lakas ay galing sa Panginoon, kaya sino ang dapat kong katakutan? 

Hindi ko masisisi si Satanas kung may sama siya ng loob sa akin. Pero dapat malaman ni Taning na ginawa ko lamang ang aking tungkulin. Trabaho lang ito, walang personalan.

Alam mo, ang pangalan kong Michael ay galing sa salitang Hebreo na ang ibig sabihin ay "Who is like God?" Eh, sino pa nga ba ang makatutulad at makapapantay sa Diyos? Wala, di ba? Dakila ang Kanyang pag-ibig, kapangyarihan, talino, habag, pang-unawa, at wala nang makakatulad ang Diyos sa Kanyang maluwalhating kadakilaan. 

Kaya kaming mga anghel na Kanyang nilikha, kahit gaano kalakas ang aming kapangyarihan, gaano man kami katalino at kaganda, malayo pa rin kami kahit sa kalingkingan kung ikukumpara sa Diyos. At hindi ko kailanman nakalilimutan na kung sino man ako at ano man ako ngayon, ang lahat ay utang ko pa rin sa Kanya.

Ang Diyos ang maylikha sa akin, at kung hindi dahil sa Kanya ay wala ako rito ngayon. Kaya nga, bilang pagtanaw ng utang na loob at pasasalamat ay nakahanda akong ipagtanggol ang Kanyang karapatan ano mang oras kung kinakailangan.

Ako ang pinili Niyang lider upang mamuno sa Kanyang hukbo ng mga anghel, at handa kong gampanan ang tungkuling iyan nang walang pangamba, sapagkat alam ko na kailanman ang puwersa ng kaliwanagan ay hindi magagapi ng kadiliman.

Purihin ang Diyos!  Purihin ang Kanyang maluwalhating pangalan! Purihin Siya ngayon, bukas, at magpakailanman!

​

LUWALHATI:

Amen. Eh, Sir... Ano po naman ang inyong mensaheng maibibigay para sa mga kabataang nag-aaral sa Saint Michael's College of Laguna?

​

MICHAEL:

Love the Lord your God with all your mind, with all your soul, with all your heart and with all your strength. Love your parents, respect your teachers, always do your assignments and study your lessons. Life is beautiful. You only have one life to live. Take care of it. Stay away from drugs.

LUWALHATI:

Marami pong salamat sa inyong napakagandang mensahe, Sir.

​

MICHAEL:

The pleasure is mine.

​

LUWALHATI:

At yan po, mga kababayan, si Saint Michael the Archangel sa ating exclusive interview. Ito po ang inyong naging tagapag-ulat nang live mula dito sa langit, si Luwalhati Mahinahon ng Radyo Patrol No. 3.75. Back to you, Ka Ernie.

​

ERNIE PULBURON:

Maraming salamat, kasamang Luwalhati ng Radyo Patrol No. 3.75.

​

(Kikiriring ang telepono.  Dadamputin ni Ernie Pulburon.)

​

Mga kaibigan, isa na naman pong tawag mula sa ating listener ang ating bibigyang-daan sa ating palatuntunan. Hello?

​

MULTO:

Heeeelllloooooohhhhh......

​

ERNIE PULBURON:

Yes, magandang umaga po. Pwede po bang malaman ang inyong pangalan at kung taga-saan kayo? Hello?

​

MULTO:

Ang pangalan ko ay Multo, at ako ay nakatira dito sa istudyo.

​

ERNIE PULBURON:

Multo? Dito sa istudyo?

​

MULTO:

Ooooo....ooooohhhhhh......

​

ERNIE PULBURON:

(Sa mga kasamahan sa istudyo) Meron daw multo, at narito raw sa istudyo.

​

AMADA PINEDA:

(Visayan accent) Multo! Takot ako sa multo!

​

LAHAT:

Multo?

​

MULTO:

Ooooo....ooooohhhhhh......

​

LAHAT:

Multo! Takbo na kayo!!!

(Tatakbo ang lahat palabas ng stage.)

​

– Curtain –

​

Rafael A. Pulmano

September 29, 1997

Saint Michael's College of Laguna

Platero, Binan, Laguna

​

​

​

Pahina  [1]  [2]  [3]

TUNGKOL

SA SAYT NA ITO

Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.

Copyright 1976-2019 © Rafael A. Pulmano Contact

affiliate_link