NOEL MALICDEM

 

 

Ako po si Ka Noel Malicdem, tubong Pangasinan at isang OFW. Nakipagsapalaran sa ibang bansa sa hangad na mabigyan ng magandang kinabukasan ang aking mga mahal sa buhay. 

 

Nagsimula ang aking paglikha ng tula noong ako’y nasa Saudi Arabia. Naging inspirasyon ko ang aking mga karanasan at saksi sa tunay na mga nangyayari sa kalagayan at buhay ng kapwa nating mga OFW. Karamihan sa aking mga tula ay sa Tagalog, sa wikang ito mas maibabahagi ko ang aking saloobin at mabigyan pansin ang aming mga karaingan at malaman ng samabayanang Pilipino kung ano ang tunay na buhay ng isang manggagawa sa banyagang bansa.

 

Sa kasalukuyan ay naririto pa rin ako sa ibang bansa, sa United Arab Emirates, upang isakatuparan ang aking mga pangarap sa buhay. Hanggang sa abot na aking makakaya ay magtitiis at manatili muna rito at kumita nang marangal na galing sa pagod at pawis. Alam ko naman na hindi ko kayang mabigyan ng maayos na pamumuhay ang aking pamilya kung aasa lamang ako sa aking kinikita sa ating bansa na ang nakikinababang lang naman ay mga taong nakapuwesto na ang gawain ay ang magkamal ng yaman ng bayan.

 

Patuloy akong magsusulat at magbabahagi ng aking mga likhang tula para iparating sa ating mga kababayan at ipaunawa na tayong mga OFW na may puso at isipan na may pagmamahal sa bayan.

 

 

 

Mga katha ni Noel Malicdem na matatagpuan sa Sali Ka, Kabayan

Copyright 1976-2019 © Rafael A. Pulmano Contact

affiliate_link