DOMINGO (KA DOMENG) TOLENTINO

​

​

Si Domingo Tolentino ay isinilang sa Baryo San Miguel, Calumpit, Bulacan noong Disyembre 24, 1954. At dahil sa maagang naulila sa ina ay namulat siya sa mahirap na buhay.

​

Bagama't hindi siya nakatapos ng pag-aaral ay pinagsikapan niya ang matutuhan ang lahat ng klase ng trabaho. Siya ay naging electrician, karpentero, at kung wala siyang trabaho sa construction ay bumibili siya ng mga kalabaw na nagmumula sa Zambales at dinadala sa Bulacan.

​

Nakilala siya sa taguring Ka Domeng sa iba't ibang bayan sa Bulacan at Pampanga dahil sa taglay niyang talino sa pagtula. Kadalasan ay nakukumbida siya na nagpuputong ng korona ng patimpalak sa mga piyestahan. Sa ganitong pangyayari niya nakilala si Mheng Esguerra na ngayon ay Mheng Tolentino, at sila ay nakasal noong ika-7 ng Hunyo 1987.

​

Noong Pebrero 10, 1991 ay nakarating dito sa Saipan si Ka Domeng at nagsimula ang bago niyang daigdig. Naging kasapi siya ng Samahang Makata sa Saipan at naging pangalawang pangulo siya nito. Dahil sa napakarami na ng tulang isinahimpapawid niya sa KSAI, ay marami rin ang nalathala sa Saipan Balita. Si Ka Domeng ay nagkubli rin sa sagisag na Capricorn 54. Nakakasama rin siya sa mga Balagtasan bilang Lakandiwa.

​

Iyan po si Domingo Tolentino, nakilala bilang Ka Domeng at Capricorn 54 dito sa Saipan.

​

​

DT

July 1995

Saipan, CNMI

Copyright 1976-2019 © Rafael A. Pulmano Contact

affiliate_link