Isinilang ako noong April 11, 1959 sa San Jose, Nueva Ecija. Ako ang pang-apat sa siyam na anak na dalawang babae at pitong lalaki ng mag-asawang Servando Espiritu at Juliana Villarosa.
Nakatapos ako ng elementarya sa Sta. Fe Central School, at ng high school sa Nueva Viscaya State Institute of Technology sa bayan din ng Sta. Fe.
Umusad ang mga taon at ako naman ay pinalad na makapag-aral sa vocational school sa Maynila, ang Madame Kollerman School of Fashion at Lorraine Technical School, kung saan ako nakatapos ng dressmaking at advanced dressmaking.
Ako ay namasukan sa garment factory ng may pitong taon. Taon 1989 ako ay nakapag-apply bilang domestic helper dito sa Saipan, kung saan hanggang ngayon ay patuloy akong naninilbihan.
Sa ngayon ako ay 36 na taong gulang na at hindi pa nakakatagpo ng lalaking magiging katuwang ko sa buhay. Dito na rin sa Saipan ako natutong lumikha ng mga tula at sa ngayon ako ang kasalukuyang secretary at treasurer ng Samahang Makata dito sa Saipan.
EVE
July 1995
Saipan, CNMI
TUNGKOL
SA SAYT NA ITO
Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.
Copyright 1976-2019 © Rafael A. Pulmano | Contact