Ang sayt na ito ay naglalaman ng mga tula at iba pang kathang handog sa mga kababayan nating OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.

ANG BAGONG BAYANI

ni Rafael A. Pulmano


Nilisan ang bansa kapalit ng dolyar

Singaporeang paslit ang inalagaan

Ang sariling anak, nalamnan ang tiyan

Gutom sa kalinga ng magulang naman.


Gurong naghahangad ng riyal na kita

Nag-domestic helper sa Saudi Arabia

Four years nagtiyagang pakadalubhasa

Sa ibang lahi pa nagpapaalila.


Dating chief engineer sa sariling nasyon

Sa abroad nag-apply: karpentero-mason

Noo'y naka-jacket sa lamig ng aircon

Sa init ng araw ay sunog na ngayon.

Tuloy po kayo!  •  Tula  •  Kwentula  •  Salintula  •  Handog  •  Balagtasan  •  BlogTalasan

Sali ka, Kabayan  •  Dula  •  Maikling Kuwento  •  Usapan at Talakayan

Kilalanin Natin  •  Doon Po Sa Amin  •  Larawan  •  Cartoons 

Awit  •  Komento at Puna  •  At iba pa  •  Contact

Copyright  2020  © Rafael A. Pulmano |  Contact

affiliate_link