KALIMUTAN MO NA

Salin sa Tagalog

ni Rafael A. Pulmano


Kalimutan mo na

   Ang nagdaang araw

      Na lubhang maulap

Datapuwa't huwag

   Limutin ang oras

      Na lipos ng galak


Kalimutan mo na

   Ang araw na ikaw'y

      May luha sa mata

Datapuwa't huwag

   Limutin ang ngiti

      Nang ikaw'y masaya


Kalimutan mo na

   Iyang kabiguang

      Dinanas sa buhay

Datapuwa't huwag

   Limutin ang mga

      Tinamong tagumpay


Kalimutan mo na

   Ang taong sa iyong

      Puso'y nakasugat

Datapuwa't huwag

   Limutin ang sa yo'y

      Nagmahal nang tapat


Kalimutan mo na

   Ang pagkakamaling

      Di na mababago

Datapuwa't huwag

   Limutin ang aral

      Na iniwan nito


Kalimutan mo na

   Ang maraming balak

      Na hindi natupad

Datapuwa't huwag

   Limuting magkaro'n

      Ng isang pangarap.

TUNGKOL

SA SAYT NA ITO

Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.

Copyright 1976-2019 © Rafael A. Pulmano |  Contact

affiliate_link