MAGALING ANG PINOY

ni Rafael A. Pulmano

​

Sa galing at sipag, Pilipino'y kampeon

Maabilidad na, nuno pa ng dunong

Sa sariling bayan at ibayong nasyon

Mataas ang tingin sa lahi ng Pinoy!

​

Sa alin mang bansang merong Pilipino

Pustahan - meron ding Pinoy na obrero

Doktor, nars, accountant, teacher, inhinyero

Driver, baby sitter, cook, housemaid, G.R.O.

​

At saka ang Pinoy, saan man mapunta,

Hindi lang talino at sipag ang dala

Kundi pati na rin sariling kultura

At bisyong pangontra sa pangungulila.

​

Anupa't maski na sa bansang Arabo

Na maraming bawal, batas ay istrikto,

Uso tong-its, madyong, jueteng, sabong, shabu,

Ending at jai-a-lai...Pasimuno'y sino?

Copyright 1976-2019 © Rafael A. Pulmano Contact

affiliate_link