BALIKBAYAN BOXES

ni Rafael A. Pulmano

​

Noong papalipad

      Pa-Gitnang Silangan

Ay nag-iisa kang

      Inihatid namin

            Hanggang paliparan...      

​

Nguni’t nang umuwi

      Sa sariling bayan

Dalawa na kayong

      Sinalubong namin:

            Ulo at katawan!

Copyright 1976-2019 © Rafael A. Pulmano Contact

affiliate_link