GREEN CARD HOLDER

ni Rafael A. Pulmano

​

ARAY KO! Ang aking kumpare'y bigatin

At sikat na sikat sa probinsya namin

Nagpunta sa abroad bilang contract worker

Ngayon, resident na't isang green card holder!

​

Sa 'min sa Laguna, ang alam ng bayan,

Sipag at tiyaga ang naging puhunan

Ng aking kumpareng sa biglang tinginan,

May itsura naman, masagwa nga lamang.

​

Maliit pa siya'y malaon nang ibig

Na maging "citizen" at masabing "U.S."

Hindi puso - UTAK ang kanyang ginamit...

Nagpakasal siya sa isang imported.

​

Bilang isang husband, si Pare'y very sweet

At talaga namang napaka-romantic

When they kiss each other, siya pa'y napikit...

Ang misis nya kasi'y saksakan ng pangit!

Copyright 1976-2019 © Rafael A. Pulmano Contact

affiliate_link