Saang sulok ng daigdig ka man naroon, Kabayan, BAYANI kang ituturing ng iyong Inang Bayan.
TULA
Tuloy po kayo!TulaKwentulaSalintulaBalagtasanBlogTalasanDulaSanaysayMaikling KuwentoSali ka, KabayanKilalanin NatinUsapang OFWCartoonsAwitLarawanDoon Po Sa AminHandogKomento at punaArkibo TUNGKOL
SA SAYT NA ITO

Advertisement
affiliate_link

APPLICATION FORM

ni Rafael A. Pulmano

Ah, ibig mo rin bang mag-abroad, kaybigan?
Nais mong kumita ng maraming dolyar?
May Form sa ibaba, paki-fill up lamang,
Sagutin ang tanong nang may katapatan...

--------------------------------------------------
              APPLICATION FORM
--------------------------------------------------

               (Please write in print)

Pangalan........ Tirahan....... at Kapanganakan........
Binata...... Dalaga....... May Asawa...... (Tsekan)
Ngalan ng Magulang......... Saan ka nag-aral?.........
Dating hanapbuhay....... Bakit ka nag-resign?........

Marunong ka bagang magsaing?....... Maglaba?.......
Magsulsi ng damit?....... Magsampay?....... Mamlantsa?......
(Huwag mong sabihing Bisor ka no'ng una,
Sa atin: Manager; sa abroad: Atsoy ka!)

Makakaya mo bang matagal mawalay
Sa iyong pamilya at mahal sa buhay?........
Tatagal ka kayang panay ang overtime?........
May bawas ang sahod?...... Ang gastos ay mahal?......

Masanay ka kayang baluktot umidlip
Sa titigilan mong barracks na masikip?.......
Ang bituka mo ba'y matibay sa sakit,
Tumatanggap kahit anong klaseng tubig?......

Nakahanda ka bang ipikit ang mata
Sa katiwaliang iyong makikita?......
Matatanggap mo ba ang sigaw at mura,
Kung among mabait ang iyong makuha?......

Matitiis mo ba ang mga intriga
Ng kapwa mo Pinoy na makakasama?......
Tutulad ka rin ba sa homesick na iba,
Sa club inuubos ang sambuwang kita?......

Kung sagot mo'y OO sa tanong sa taas,
Pumirma sa 'baba at saka magbayad:
TEN THOUSAND ang lagay, at kapag pinalad,
Another TEN THOUSAND bago ka lumipad.

.................................................
                  (Lagda)

Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.


Ang bagong bayani
Ang bigong bayani
Application form
Inay... Itay...
Iba talaga sa abroad
Batang Saudi
Pag-asa ng bayan
Sayang
Sukli sa kabayanihan
Ako ay Pilipino
Seaman
Balikbayan boxes
Valentine's card
Paalam, My Love
Magaling ang Pinoy
Green card holder
Pilipino, dakila ka
Hanggang Edsa na lang
Bitin
Sa bagong Pangulo
Maswerteng barangay
Hello
Ang kapal
Pakyaw sa Senado
Grado


TULA
Tuloy po kayo!TulaKwentulaSalintulaBalagtasanBlogTalasanDulaSanaysayMaikling KuwentoSali ka, KabayanKilalanin NatinUsapang OFWCartoonsAwitLarawanDoon Po Sa AminHandogKomento at punaArkibo

 
Personal na web site ni Rafael A. Pulmano

OFW – ANG BAGONG BAYANI
 
COPYRIGHT 2017 © RAFAEL A. PULMANO

affiliate_link