Saang sulok ng daigdig ka man naroon, Kabayan, BAYANI kang ituturing ng iyong Inang Bayan.
SALINTULA
Tuloy po kayo!TulaKwentulaSalintulaBalagtasanBlogTalasanDulaSanaysayMaikling KuwentoSali ka, KabayanKilalanin NatinUsapang OFWCartoonsAwitLarawanDoon Po Sa AminHandogKomento at punaArkibo TUNGKOL
SA SAYT NA ITO

Advertisement
affiliate_link

WALANG PANAHON

Salin sa Filipino
ni Rafael A. Pulmano

Pakinggan ang tula


Ako ay lumuhod upang manalangin
     subalit di pa nagtatagal
Ay agad tumindig at nagtutumuling
     nagtungo sa aking tanggapan
Tambak ang gawaing dapat kong tapusin,
     kailangang maghanapbuhay
Darating na naman, mga maniningil,
     marami akong babayaran.

Kaya nga matapos ang isang maikli
     at apurahang panalangin,
Tumayo na ako upang magmadaling
     harapin ang mga gawain
Nagampanan ko na, kahit sasandali,
     ang aking Kristyanong tungkulin
Matatahimik na ang kalulwa't budhi,
     wala nang aalalahanin.

Sa buong maghapon, abalang-abala
     at sadyang wala akong oras
Upang bigyang-sigla ang walang pag-asa,
     o tumulong sa kapuspalad
Wala akong oras na ipakilala
     si Jesus, pagkat nangingilag
Na mapagtawanan ako't mapahiya,
     pukulin ng mga paglibak.

Abalang-abala at walang panahon
     sa dami ng mga gawain
Araw-araw na lang, palaging ganoon
     ang aking reklamo't hinaing
Walang oras upang sa kapwa'y tumulong,
     hanggang sa oras ko'y dumating
Sa wakas, sumapit na nga ang panahon
     ng aking pagpanaw at libing.

Nang nasa harap na ako ng Maykapal,
     hindi ko magawang tingnan S'ya
At nang buklatin na ang Aklat Ng Buhay
     ay ito ang Kanyang winika:
"Hindi ko makita ang iyong pangalan...
     noon ay isusulat Ko na,
Ngunit walang oras, panahon Ko'y kulang,
     sapagkat ako ay abala."






Pakinggan ang tula mula sa tinig ni Rafael A. Pulmano
 
 
Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.


Batingaw
Bilangin ang Pagpapala
Desiderata
Kahapon, Ngayon, at Bukas
Kalimutan Mo Na
Kaya Mo Kung Iniisip Mong Kaya Mo
Walang Panahon



SALINTULA
Tuloy po kayo!TulaKwentulaSalintulaBalagtasanBlogTalasanDulaSanaysayMaikling KuwentoSali ka, KabayanKilalanin NatinUsapang OFWCartoonsAwitLarawanDoon Po Sa AminHandogKomento at punaArkibo

 
Personal na web site ni Rafael A. Pulmano

OFW – ANG BAGONG BAYANI
 
COPYRIGHT 2017 © RAFAEL A. PULMANO

affiliate_link