Saang sulok ng daigdig ka man naroon, Kabayan, BAYANI kang ituturing ng iyong Inang Bayan.
SALINTULA
Tuloy po kayo!TulaKwentulaSalintulaBalagtasanBlogTalasanDulaSanaysayMaikling KuwentoSali ka, KabayanKilalanin NatinUsapang OFWCartoonsAwitLarawanDoon Po Sa AminHandogKomento at punaArkibo TUNGKOL
SA SAYT NA ITO

Advertisement
affiliate_link

BILANGIN ANG PAGPAPALA

Salin sa Filipino
ni Rafael A. Pulmano


Kapagka may mga
Sandaling madilim at sadyang kulimlim
Isipin mo lamang ang sikat ng araw.

Kapag mayroon kang
Kinakailangang tapusing gawain
Isipin ang iyong mga paglilibang.

Kapag may mahaba,
Malubak na landas na dapat lakbayin
Isipin ang dulong nasa katapusan.

Kapag nadaramang
Wari'y nawawala't nag-iisa mandin
Isipin ang isang tapat na kaybigan.

Kapag bagay-bagay
Ay hindi maayos ang takbo at suling
Isipin ang noong sila'y ayos naman.

Kapag nadarama
Iyang kalungkutan, ay dili-dilihin
Ang napakaraming biyayang nakamtan.

Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.


Batingaw
Bilangin ang Pagpapala
Desiderata
Kahapon, Ngayon, at Bukas
Kalimutan Mo Na
Kaya Mo Kung Iniisip Mong Kaya Mo
Walang Panahon



SALINTULA
Tuloy po kayo!TulaKwentulaSalintulaBalagtasanBlogTalasanDulaSanaysayMaikling KuwentoSali ka, KabayanKilalanin NatinUsapang OFWCartoonsAwitLarawanDoon Po Sa AminHandogKomento at punaArkibo

 
Personal na web site ni Rafael A. Pulmano

OFW – ANG BAGONG BAYANI
 
COPYRIGHT 2017 © RAFAEL A. PULMANO

affiliate_link