KAYA MO KUNG INIISIP MO

Salin sa Tagalog

ni Rafael A. Pulmano


Kung iniisip mong ikaw'y mabibigo

     ikaw ay bigo nga

Hindi matutupad and alin mang balak

     kung yon ang akala

Kung ibig magwagi nguni’t iniisip

     na di magagawa

Ay halos tiyak nang talo ka bago pa

     makapagsimula.


Ikaw nga'y talunan kung sa sarili mo'y

     Gayon ang palagay

Sapagka’t sa mundo'y ating nakikitang

     ito ang nairal

Tagumpay ng tao ay nagsisimula

     sa pasya pa lamang

Ang lahat ng ito'y nasa tamang timpla

     ng ating isipan.


Pagka’t ang tagumpay sa buhay na ito'y

     di laging kakamtan

Ng taong maliksi o mayro'ng malakas

     na pangangatawan

Kundi, sa malao't madali, ang siyang

     nagwawaging tunay

Ay ang nag-iisip na kaya n'yang gawin

     ang alin mang bagay.

TUNGKOL

SA SAYT NA ITO

Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.

Copyright 1976-2019 © Rafael A. Pulmano |  Contact

affiliate_link