SA AKING MGA KAKLASE AT KA-BATCH SA LSEI’72

ni Rafael A. Pulmano

​

​

Salamat sa inyo, mga kaibigan,

Dating kababata't kapwa kasinggulang

Mga kasabayin sa kapanahunang

Laon mang lumipas 

    ay may alaalang 

        di malilimutan.

​

Munting salusalo'y nagmistulang piging

Salamat sa inyong pagdalong magiliw

Malayo't malapit, kayo'y nakarating

Dating kamag-aral

    sa Lake Shore ay upang

        saglit makapiling.

​

Aking babaunin sa muling pag-alis

Tamis ng samahang walang kahulilip

Taglay ang pag-asa at ang pananabik

Muling masilayan

    ang ganda at ngiti

        sa aking pagbalik.

​

​

Paeng Pulmano

Agosto 25, 2018, sa Lunsod ng Binan

Copyright 1976-2019 © Rafael A. Pulmano Contact

affiliate_link