TUNGKOL

SA SAYT NA ITO

ANG MABISANG ANTING-ANTING

ni Lamberto B. Cabual


GURO ako sa paaralang elementarya sa aming bayan, at ang tinuturuan ko ay ang mga batang nasa ikaanim na baitang. May pitong seksiyon ang mga bata at gurong tagapayo ako ng Section A. Titser ako sa Ingles, Filipino, at Araling Panlipunan. Malapit na malapit ang loob sa akin ng mga bata sa aking advising section. Kaibigan nila ako at hindi sila nangingiming makipag-usap sa akin. Kung recess at nasa canteen ako, nakikiumpok sila sa akin at kumakain kami sa iisang mesa. Bagama’t parang kabarkada ang turing nila sa akin ay malaki naman ang kanilang paggalang. Kung may mga problema ay tinutulungan ko sila sa paglutas.


“Sir, may sasabihin po ako sa inyo,” sabi ni Jhobeth. Si Jhobeth ang isa sa pinakamahusay kong mag-aaral sa Section A. May palagay akong siya ay magtatapos na validectorian sa taong pampaaralang ito.


“Ano ‘yon?” tanong ko. “Mukhang seryosong-seryoso ka, ah!”


“Nakakahiya po, Sir, pero wala po akong mapagsabihan ng suliraning ito, kundi kayo,” tumungo siya. “Alam ko pong mauunawaan ninyo ako.”


“Ano ba ‘yan, sabihin mo na,” tinapik ko siya sa balikat. “H’wag ka nang mahiya.” Iniisip kong maaring problemang pinansiyal ang ipagtatapat niya. “May problema ka ba sa pera?”


“Hindi po sa pera,” bahagya siyang tumunghay. “Mas mabigat pa po sa pera.”


“Ano ka ba? Bakit di mo pa agad sabihin?”


“’Kakahiya nga po…Sir, h’wag n’yo akong kagagalitan, mangako po kayo.”


“Sige…I promise, hindi ako magagalit.”


“Umiibig po ako, Sir!”


“Ha!” Nabigla ako. “Napakabata mo pa upang magkaganyan.”


“Alam ko po, nguni’t hindi na po bata ang puso ko.”


Napamulagat ako. Napadilat ang singkit kong mga mata. “Sino ba’ng napupusuan mo?”


“Si Cristy po.”


“Ano’ng problema ngayon?” Napangiti ako, “Nagtapat ka na ba sa kanya?

Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.

affiliate_link

MAY KARUGTONG >>>


Pahina  [1]  [2]

Copyright 1976-2019 © Rafael A. Pulmano |  Contact

affiliate_link