TUNGKOL

SA SAYT NA ITO

ANG MABISANG ANTING-ANTING

ni Lamberto B. Cabual


Karugtong ng Kuwento – Pahina 2


“’Yan na nga po ang problema, hindi po ako makapagtapat,” napatungo siya. “Wala po akong lakas ng loob.”


“Bakit naman?”


“Nag-aalala po akong baka magalit siya, at layuan niya ako bilang kaibigan. Ayaw ko pong kagalitan niya ako. Labis po akong masasaktan.”


“Kung nagsasabi ka lang naman ng nasa loob mo, di naman siguro siya magagalit.”


“Basta, Sir, natatakot ako. Ang isa pa baka po hindi niya ako mahal, hindi ko po iyon kayang tanggapin, dahil mahal na mahal ko siya.”


“Kung magtapat ka’t biguin ka niya, anong gagawin mo?”


“A, Sir, titigil na po ako ng pag-aaral. Mawawalan na po ng halaga ang lahat-lahat sa akin.”


“Bakit naman?” untag ko.


“Si Cristy po ang lahat sa akin. Mahal na mahal ko po siya.”


Manghang-mangha ako sa ipinagtapat sa akin Jhobeth. Akalain mong ang isang mag-aaral na labindalawang taong gulang pa lamang ay umiibig nang ganito katindi. Gulat na gulat ako sa takbo ng kanyang pangangatuwiran. Mahiyain, mahina ang loob na magtapat, nguni’t umiibig nang sa pakiramdam ko’y suko hanggang langit, at kung mabibigo’y gusto yatang magpakautas. Mahabaging langit! Ano ito? Bago kami naghiwalay ni Jhobeth sa pag-uusap na yaon, nangako akong tutulungan ko siyang malutas ang kanyang problema. Nguni’t paano kaya?


Nagunita ko tuloy nang nasa unibersidad pa ako na nag-aaral ng Child Psychology. Ang isang batang may suliranin ay kailangang kausapin, unawain at ihanap ng mabisang paraan upang tulungan.



LUNES noon nang magturo ako, eskuwela ko sina Jhobeth at Cristy sa Araling Panlipunan. Tulad ng dati, silang dalawa ang pinakamahusay sa klase. Masigla nilang nasasagot ang mga tanong ko sa diskusyon namin sa silid-aralan, at nang magbigay ako ng written test ay tamang lahat ang kanilang mga sagot. Hindi halatang may problema si Jhobeth. Tiwalang-tiwala siya marahil na tutupdin ko ang pangakong tutulungan ko siya sa nakadagang problema sa dibdib.


Nang tapos na ang klase at maglabasan na ang mga mag-aaral, gumawa ako ng paraang makausap nang sarilinan si Cristy. Masaya at may pagkabelyaka ang munting dalaginding. Palabiro siya at pati akong guro niya’y nakakaya niyang biruin.


“Cristy, puede ba kitang kausapin?” sabi ko.

Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.

affiliate_link

MAY KARUGTONG >>>


Pahina  [1]  [2]  [3]

Copyright 1976-2019 © Rafael A. Pulmano |  Contact

affiliate_link