NGAYONG ARAW NG MGA PUSO

ni Rafael A. Pulmano






















Sa araw na ito ng Valentines Day

Ay samahan ako... Mahal, Sinta, Giliw;

Halina't pasyalan ang ating yesterday…

Ang pag-iibigan muling sariwain.


Ang pagpapalitan ng maraming liham

Ng dalawang pusong dating magka-penpal;

Sa nabuong tapat na pagkakaybigan

Umusbong ang punla ng pagmamahalan.


T'wing Araw ng Puso may card sa koreo

Ipinahahayag sa mundo't sa iyo

Wagas na pagsuyong walang pagbabago

At walang pagkupas tumanda man tayo.


Sa panahon ngayon ng teknolohiya

Ang card di na uso di gaya nang una,

Happy Valentines Day... at i-LIKE mo sana

Itong Profile Update: I Love You, Rebecca!



Ralph Pulmano

February 14, 2014

Copyright 1976-2019 © Rafael A. Pulmano |  Contact

affiliate_link