Saang sulok ng daigdig ka man naroon, Kabayan, BAYANI kang ituturing ng iyong Inang Bayan.
TULA
Tuloy po kayo!TulaKwentulaSalintulaBalagtasanBlogTalasanDulaSanaysayMaikling KuwentoSali ka, KabayanKilalanin NatinUsapang OFWCartoonsAwitLarawanDoon Po Sa AminHandogKomento at punaArkibo TUNGKOL
SA SAYT NA ITO

Advertisement
affiliate_link

MASWERTENG BARANGAY

ni Deenah Macatiis

Ang aming barangay ay sobrang mapalad
Sa dami ng nais maglingkod nang tapat;
Isipin na lamang, bilang ng kagawad
Na kumandidato - walumpu at apat!

Sa dinami-rami ng nag-uunahan,
Pito lang ang kampeong uupong konsehal;
Dalawang dosena'y maglalaban naman
Sa solong posisyon ng barangay chairman!

Kundi ba maswerte itong nayon namin
Kumpanya pa lamang, kada may pamiting
Mga kandidato'y todo na'ng pakain
Bago mag-uwian, merong pang panlasing!

Madaling mapuna ang mga baguhan
Sa tayog ng mga pangako’t islogan
Pagbabagong hangad ay pawang marangal
Matiyaga silang nagbabahay-bahay.

Nguni't politikong dati na sa pwesto
Ay namumuhunan (hahala'y negosyo!)
Sa bawat botanteng mabilhan ng boto
Tuos na ang kita bago pa manalo.

Di katakataka kung mapabalita
Na merong nagsanla ng bahay at lupa,
O kaya'y nanakot, pumatay ng kapwa
Kapalit ang pwestong pinakananasa!

Eleksyon sa amin, isang araw lamang
Ganon din memorya ng mga nahalal
Pag-upo sa pwesto ay magpapayaman
(Di makareklamo mga binayaran!)


Nobyembre 3, 2013

Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.


Ang bagong bayani
Ang bigong bayani
Application form
Inay... Itay...
Iba talaga sa abroad
Batang Saudi
Pag-asa ng bayan
Sayang
Sukli sa kabayanihan
Ako ay Pilipino
Seaman
Balikbayan boxes
Valentine's card
Paalam, My Love
Magaling ang Pinoy
Green card holder
Pilipino, dakila ka
Hanggang Edsa na lang
Bitin
Sa bagong Pangulo
Maswerteng barangay
Hello
Ang kapal
Pakyaw sa Senado
Grado


TULA
Tuloy po kayo!TulaKwentulaSalintulaBalagtasanBlogTalasanDulaSanaysayMaikling KuwentoSali ka, KabayanKilalanin NatinUsapang OFWCartoonsAwitLarawanDoon Po Sa AminHandogKomento at punaArkibo

 
Personal na web site ni Rafael A. Pulmano

OFW – ANG BAGONG BAYANI
 
COPYRIGHT 2017 © RAFAEL A. PULMANO

affiliate_link