Saang sulok ng daigdig ka man naroon, Kabayan, BAYANI kang ituturing ng iyong Inang Bayan.
TULA
Tuloy po kayo!TulaKwentulaSalintulaBalagtasanBlogTalasanDulaSanaysayMaikling KuwentoSali ka, KabayanKilalanin NatinUsapang OFWCartoonsAwitLarawanDoon Po Sa AminHandogKomento at punaArkibo TUNGKOL
SA SAYT NA ITO

Advertisement
affiliate_link

HELLO

ni Rafael A. Pulmano

Trabaho'y maghapon sa init ng Saudi
Kaulayaw ko ay beer sa lamig ng gabi
At pag may tama na, sa 'king karaoke
Aawit ng "HELLO" ala-Lionel Richie.

"HELLO!" Oh kay tamis ng ganyang kataga
Sa isang tulad kong nasa ibang bansa
Musika sa puso ang "HELLO" ng kapwa
Mapa-Pilipino o mapa-banyaga.

"HELLO!" ng pagbati, maski ng artista
Sa stage show, sa T.V., o sa pelikula
Pinananabikan ang hatid na saya
Mula sa kapuso at sa kapamilya.

Ang "HELLO" ay lalong matamis ang tunog
Kung buhat sa iyo, Mahal, Sinta, Irog
Sa overseas calls ko, sa t'wi kang sasagot
Tanggal ang hilo ko sa puyat at pagod.

Subalit ang "HELLO" na hindi ko gusto
Ay ang "HELLO, GARCI..." mula kay Ate Glo
At "I AM SORRY" nyang di naman totoo
Sobra naman yata tayong ginagago.

 
 




Pindutin ang "play button" para mapakinggan ang
"Hello Garci" ringtone (Huling-huli Ka!)

 
 


 
Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.


Ang bagong bayani
Ang bigong bayani
Application form
Inay... Itay...
Iba talaga sa abroad
Batang Saudi
Pag-asa ng bayan
Sayang
Sukli sa kabayanihan
Ako ay Pilipino
Seaman
Balikbayan boxes
Valentine's card
Paalam, My Love
Magaling ang Pinoy
Green card holder
Pilipino, dakila ka
Hanggang Edsa na lang
Bitin
Sa bagong Pangulo
Maswerteng barangay
Hello
Ang kapal
Pakyaw sa Senado
Grado


TULA
Tuloy po kayo!TulaKwentulaSalintulaBalagtasanBlogTalasanDulaSanaysayMaikling KuwentoSali ka, KabayanKilalanin NatinUsapang OFWCartoonsAwitLarawanDoon Po Sa AminHandogKomento at punaArkibo

 
Personal na web site ni Rafael A. Pulmano

OFW – ANG BAGONG BAYANI
 
COPYRIGHT 2017 © RAFAEL A. PULMANO

affiliate_link