Site menu:

 


Ako ay Pilipino
Ang Bagong Bayani
Ang Bigong Bayani
Ang Kapal
Application Form
Balikbayan Boxes
Batang Saudi
Bitin
Green Card Holder
Hanggang Edsa na Lang
Hello
Iba Talaga sa Abroad
Inay... Itay...
Kapag ang Pangulo
Magaling ang Pinoy
Paalam, My Love
Pag-asa ng Bayan
Pilipino, Dakila Ka
Sayang
Seaman
Sukli sa Kabayanihan
Valentine's Card

SIGN GUESTBOOK VIEW GUESTBOOKSEND EMAIL

 

THANKS TO OUR SPONSORS







ads - group 5
ads - group 6
Ako ay Pilipino  |  Ang Bagong Bayani  |  Ang Bigong Bayani  |  Ang Kapal  |  Application Form  |  Balikbayan Boxes  |  Batang Saudi  |  Bitin  |  Green Card Holder  |  Hanggang Edsa na Lang  |  Hello  |  Iba Talaga sa Abroad  |  Inay... Itay...  |  Kapag ang Pangulo  |  Magaling ang Pinoy  |  Paalam, My Love  |  Pag-asa ng Bayan  |  Pilipino, Dakila Ka  |  Sayang  |  Seaman  |  Sukli sa Kabayanihan  |  
Valentine's Card  
 


ANG BIGONG BAYANI

ni Rafael A. Pulmano


Simpleng matematiks,
     walang dagdag-bawas, halinang magtuos...
Sige nga - magkano
     ang dolyar na kita ng bansa sa exports?
Eh, magkano naman
     ang dolyar na bayad ng bansa sa imports?
At ang balance of trade
      kapag kinwenta na, plus kaya, o minus?

Kung higit ang export
     o produktong benta sa ibayong bansa
Kaysa inimporta
     o produktong angkat sa dayuhang lupa,
Mas konti ang gastos
     kumpara sa pasok ng dolyar na kita
Resulta'y trade surplus,
     panalo ang lokal na ekonomiya.

Pero napamili,
     kung lalong malaki kaysa naibenta
Mas maraming dolyar
     ang ipinambayad kaysa naging kita,
Ito'y trade deficit
     na ang karaniwang masaklap na bunga
Pagtaas ng palit
     ng dolyar sa pisong sadsad ang halaga.

At kung ang halaga
     ng pisong pagod na'y tuloy sa pagbagsak
Utang na panglabas
     nitong Pilipinas ay lalong sasagad
Sa interest pa lang
     ng dolyar na utang na dolyar ang bayad
Ay kailangan pang
     Kongreso'y magpasa ng batas sa E-VAT.
    
International trade
     ay talagang ganyan, may panalo't talo
Sa globalisasyon
     ay bansang mahirap ang laging dehado
Kaya pasalamat
     tayo sa maraming nagsasakripisyo
Na bagong bayani,
     (o bigong bayani), ang OFW.

Bilyun-bilyong dolyar
     ang sa Pilipinas ay ipinapasok
Na bawa't sentimo
     ay sa ekonomya umiikut-ikot
Walang natatapon,
     walang lumalabas na kahit karampot
Dahil walang import,
     sila'y hundred percent na Philippine Export.

OFW lang
     ang tanging pang-export nitong ating bansa
Na ang materyales,
     pawis at puhunan, ay sa atin mula
Tatay, Nanay, Kuya,
     Ate, Tito, Tita, maski Lolo't Lola
Nagtiis malayo,
     pamilya'y iniwan, dahil sa pamilya.

Malayo si mister,
     malayo si misis (at kapwa malaya)
Malayo sa anak
     na busog sa layaw, gutom sa kalinga
At dahil malayo
     ang tanaw ng mga pinuno ng bansa
Malayong lumaya
     ang dayong alila sa pangungulila.
 


Ako ay Pilipino  |  Ang Bagong Bayani  |  Ang Bigong Bayani  |  Ang Kapal  |  Application Form  |  Balikbayan Boxes  |  Batang Saudi  |  Bitin  |  Green Card Holder  |  Hanggang Edsa na Lang  |  Hello  |  Iba Talaga sa Abroad  |  Inay... Itay...  |  Kapag ang Pangulo  |  Magaling ang Pinoy  |  Paalam, My Love  |  Pag-asa ng Bayan  |  Pilipino, Dakila Ka  |  Sayang  |  Seaman  |  Sukli sa Kabayanihan  |  
Valentine's Card