Site menu:

SIGN GUESTBOOK VIEW GUESTBOOKSEND EMAIL

 

THANKS TO OUR SPONSORS







ads - group 5
ads - group 6
ZALDY ALORA  |  ONOFRE CAMARILLO  |  GONIE MEJIA  |  DOMINGO TOLENTINO  |  EDU CARPENA  |  MONALIZA MONDATA  |  MARIA TERESA CURA REA  |  ROSELYN ALEGONZA  |  TREZ MUSKITEROS  |  HANA BLUE 23  |  VIC YAMBAO  |  ROLAND MANREAL  |  REGINA ROSALES  |  LAURA BALATBAT-CORPUZ  |  JUVEL REMPIS  |  RAMIL ILAGAN


Mula sa panulat ni

VIC YAMBAO

New Jersey, U.S.A.


PANGARAP

Kalamnan ko ay nanakit sa banig nang karangyaan.
Utak ko ay puputok na sa pagtuos nang aking utang.
Puso ko ay manhid na sa kayod na walang puknat.
Bawat patak nang aking dugo, berdeng ginto sa kanila.

Nasa ko ay muling humimlay sa kandungan ni inang sinta
At magmulat sa samyo nang tuyo, kamatis at sinangag.
Nasa ko ay makasalo sa dulang si amang mahal
at muling umusbong sa kanyang palad at pangaral.

Kung nakapikit lamang ang timbangan nang katarungan
At ang batas at katwiran mo ay walang tinititigan.
Kung ang bukas sa piling mo ay matiwasay at maaya.
Kanila na ang Amerika, uuwi na ako sa ating dampa.





PANAGIMPAN

Sambayanang nahihimbing sa dilim nang kamangmangan
Nangangarap sa isang bukas na puro kasinungalingan
Habang ikaw ay naghihilik ang mga anak mo ay lumilisan
Sa paghabi nang panaginip ay alipin sa ibang bayan.

Kailan ka magigising sa iyong kahibangan?
Na ang timbulan sa lusak ay haring mayabang.
Ang kanyang karangyaan ang hukay sa libingan.
Kapag ang mga timawa ay lunod na sa putikan.

Kailangan bang ugain ang iyong kinararatayan
Upang isilang mo ang makatarungang kabuhayan?
At kung di na masungkit ang bunga mong kayamanan
Bayani't ulila na lamang sa iyo'y malalaglag

Kung dugo na ang mga agos nang batis at kailugan
At libingan na lamang ang mga tumana't parang
Kung ang tunog nang habagat ay naging punebre't palahaw
Sa isang bangungot magmumulat ang mga ganid sa lipunan.




Si VIC P. YAMBAO
ay isang Registered Nurse na naninirahan
mula 1991 hanggang sa kasalukuyan sa New Jersey, U.S.A.





ZALDY ALORA  |  ONOFRE CAMARILLO  |  GONIE MEJIA  |  DOMINGO TOLENTINO  |  EDU CARPENA  |  MONALIZA MONDATA  |  MARIA TERESA CURA REA  |  ROSELYN ALEGONZA  |  TREZ MUSKITEROS  |  HANA BLUE 23  |  VIC YAMBAO  |  ROLAND MANREAL  |  REGINA ROSALES  |  LAURA BALATBAT-CORPUZ  |  JUVEL REMPIS  |  RAMIL ILAGAN