Site menu:

SIGN GUESTBOOK VIEW GUESTBOOKSEND EMAIL

 

THANKS TO OUR SPONSORS







ads - group 5
ads - group 6
ZALDY ALORA  |  ONOFRE CAMARILLO  |  GONIE MEJIA  |  DOMINGO TOLENTINO  |  EDU CARPENA  |  MONALIZA MONDATA  |  MARIA TERESA CURA REA  |  ROSELYN ALEGONZA  |  TREZ MUSKITEROS  |  HANA BLUE 23  |  VIC YAMBAO  |  ROLAND MANREAL  |  REGINA ROSALES  |  LAURA BALATBAT-CORPUZ  |  JUVEL REMPIS  |  RAMIL ILAGAN


Mula sa panulat ni

REGINA ROSALES

Burbank, California
U.S.A.


SALAMAT SA MAY-AKDA
(Para kay Rafael Alonde Pulmano)


Salamat ang aking unang salita
Salamat sa iyong mga tula
Pagkat ang laki ng aking pagkatuwa
sa mga iyong naitala

Ang aking mga mata'y
Iyo mong napadilat
Mga labi ko'y iyo namang napangiti
Sa bawat naitala mo'y ako ay namulat

Siyanga nga palang ako ay mapalad
Pagkat isa rin akong banyaga
sa ibang bansa naninirahan
at nararanasan ko din ang maghirap

Kulang sa pahinga
Dalawa o tatlong oras lamang
naipipinid ang mga mata
pagkat laging payao na sa pagtatrabaho

Pero aking katoto
Ako nga'y mas mapalad tulad ng nasabi ko
Pagkat ang aking naging trabaho
Ay tama kung magpasahod at ang mga tao ay tao

Di ko naranasan ang murahin at abain
Pagkat ito ay aking di maaring pasanin
Sa aking kaisipan
Ako ay may karapatan!

Nagdaan ang maraming taon
Ako'y isa pa ring banyaga
Pero di na tulad noon
Ang aking pagtulog ay himbing at tama na ngayon

Noon ay tatlo ang trabaho ko
Ngayo'y isa na lamang
Pagkat ang kwalta ko'y hindi winaldas sa masamang bisyo
at siya kong ikina-ahon

Magpasa-hanggang ngayon
Ako pa rin ay isang dukha ngunit hindi naman kaawa-awa
Malinis na kadamitan
May silong na tinutulugan

Pati na ang hapag kainan
Laging may nakahanda
At ang pinakamahalaga
Pamilya ko'y nagmamahalan

Kaya sa iyo katoto
Uulitin ko ang aking malaking pasasalamat
Ang isang tulad mo'y dakila sa pagsulat
Aking ipagdarasal na ikaw ay KANYANG basbasan
Bigyan nawa ng maganda kalusugan
At sanay sipagin pang gumawa ng mga tula sa wikang atin.

 

ZALDY ALORA  |  ONOFRE CAMARILLO  |  GONIE MEJIA  |  DOMINGO TOLENTINO  |  EDU CARPENA  |  MONALIZA MONDATA  |  MARIA TERESA CURA REA  |  ROSELYN ALEGONZA  |  TREZ MUSKITEROS  |  HANA BLUE 23  |  VIC YAMBAO  |  ROLAND MANREAL  |  REGINA ROSALES  |  LAURA BALATBAT-CORPUZ  |  JUVEL REMPIS  |  RAMIL ILAGAN