ZALDY
ALORA | ONOFRE
CAMARILLO
| GONIE
MEJIA
| DOMINGO
TOLENTINO | EDU
CARPENA | MONALIZA
MONDATA
| MARIA
TERESA
CURA REA | ROSELYN
ALEGONZA | TREZ
MUSKITEROS | HANA
BLUE 23 | VIC
YAMBAO | ROLAND
MANREAL | REGINA
ROSALES | LAURA
BALATBAT-CORPUZ
| JUVEL
REMPIS | RAMIL
ILAGAN
| BERT
CABUAL | BHENG
ARELLANO
| ZACK

Mula sa panulat ni
Federated States of Micronesia
ANG UMALIS SA SARILING
BAYAN
Umalis sa aking bayan upang baguhin ang aking pamumuhay
Halo-halong nararamdaman nang umupo pa lang sa eroplanong aking hinintay
Naiiyak na parang bata at ang hanap ang nanay pati rin ang tatay
Tinititigan ang pintuan, di mawari kung tatalikuran and bayang
naghihintay
Napatulala ng pansamantala at biglang may sumigaw “umupo ng
husay”
at unti-unting umangat at umalis nang tuluyan ang eroplanong aking
sinasakyan
Nakarating ng maayos sa bagong bahay
walang makakasama at walang karamay
takot ang bumalot at pagaalala kung paano makakaya
sinusubukan na lang na umasa
sa gabay ng Dyos at may dasal na kasama
unti unting nakakasanayan ang buhay na ganito
pinipilit na maging masigla at para di mabato
nababawasan ang pagaalala at nakakapadala ng konting balato
mga tsokolate, de lata at kape at kung sinuwerte may
kasama pang pabango
Konting pera ang isasakripisyo para magkaron ng bahay at lupa na bato
at itutuloy ang kontrata hanggang mabuo ang pangnegosyo
Di maiwasan minsan ang lungkot na dumadaan
Iiyak ka na lang at matutulog kung kinakailangan
Para di matuluyan na masiraan
mugto ang mata kinaumagan at maliligo para mapreskuhan
Patuloy na lumaban para makayanan
ang lahat ng karanasan na di maiwasan
Nakakalungkot ang mga pinagdaanan
Marami ang gustong matikman
Katulad ng baboy na sinigang o kinamatisan
Pati pansit ni aling Beng na nakakatakam
ultimong adobong pusit na malinamnam
Amoy ng tuyo na may hiniwang kamatis sa umagahan
Yan ang mga nakakapanghinayang habang wala ka sa sariling bayan
Walang magagawa kundi maghintay
At magpasalamat sa may bigay ng bagong buhay
At nawa’y maibalik ko ang lahat ng bigay
Sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa at nangangailangan
Walang katapusan pasasamat at tayo ay napagbigyan sa ganitong buhay
At balang araw gusto ko makita ng Poong mahal
kung gaano ko pinahalagahan ang lahat ng biyaya na aking natikman
Sana'y sa lahat na nagsusumikap at malayo sa mga minamahal
Wag mawalan ng pagasa ikaw din ay balang araw ay mamahinga
wag lang sayangin ang mga kinita at purihin ang Dyos sa lahat ng bigay
nya

Di
niya tayo pinabayaan
mula sa araw ng ating paglisan
hanggang sa makabalik sa ating bayan
Kung di sa iyong gabay di ko sana narating itong aking kinalalagyan
Maraming Salamat po
aking Panginoon sa lahat ng mga biyaya
na iyong
binigay
ZALDY
ALORA | ONOFRE
CAMARILLO
| GONIE
MEJIA
| DOMINGO
TOLENTINO | EDU
CARPENA | MONALIZA
MONDATA
| MARIA
TERESA
CURA REA | ROSELYN
ALEGONZA | TREZ
MUSKITEROS | HANA
BLUE 23 | VIC
YAMBAO | ROLAND
MANREAL | REGINA
ROSALES | LAURA
BALATBAT-CORPUZ
| JUVEL
REMPIS | RAMIL
ILAGAN
| BERT
CABUAL | BHENG
ARELLANO
| ZACK