Site menu:

 SEND EMAIL

 

THANKS TO OUR SPONSORS







ads - group 5
ads - group 6
SALI KA, KABAYAN

Ang Makata at ang Alak - ni Bert Cabual Mula sa panulat ni

NOEL MALICDEM

United Arab Emirates


NANG SI JUAN, NANGIBANG BAYAN


Nang si Juan nangibang bayan
Dala ang pangarap umahon sa kahirapan
Sa bansang iniwan wala nang kalutasan
Buhay na kinagisnan wala pa ring kaunlaran
 
Dumating si Juan sa ibang bayan
Sa akalang makakamtam ang kaginhawaan
Bagkus naging malubha pa ang naging kalagayan
Sa gitnang silangang hirap pala ang mararanasan
 
Ngunit di nawalan ng pag-asa si Juan
Kesa bumalik sa bayang walang maaasahan
Wala nang ginawa kundi ang mag-iringan
Masa ang ginagamit sa pansariling kapakanan
 
Kelan ka titigil Juan na mangibang bayan
Manatili na lang sa bayang sinilangan
Kapiling ang pamilya tumulong sa kaunlaran
Ibalik ang Pilipinas perlas ng silangan
 
Wala ng hihigit pa sa sakripisyo ni Juan
Padalang dolyar para umahon ekonomiya ng bayan
Di alintana mga pulitikong sakim sa kaban ng pamahalaan
Panlinlang sa masa sa susunod na halalan
 
Gising na kabayang Juan
Sa maling akala sa iyong kalagayan
Bumangon ka na baka ikaw ay maiwan
Sa panibagong bukas kapit bisig tayong makipagsapalaran
 
Isa lang ako sa mga Pilipinong Juan
Na nangarap mangibang bayan
Hindi dahil ang bayan ko’y iiwan
Kundi ang ipagmalaki lahing pilipino kahit saan maasahan!


Mga katha ni Noel Malicdem na matatagpuan sa sayt na ito
Tula:  IKAW, AKO, TAYO ... OFW  |  NANG SI JUAN, NANGIBANG BAYAN  |  OFW SA AMING PAGBABALIK  |  OFW SA GITNA NG DISYERTO  |  SA WARI KO, BILANG OFW     




SALI KA NA RIN, KABAYAN! 

ZALDY ALORAONOFRE CAMARILLOGONIE MEJIADOMINGO TOLENTINOEDU CARPENAMONALIZA MONDATAMARIA TERESA CURA REAROSELYN ALEGONZATREZ MUSKITEROSHANA BLUE 23VIC YAMBAOROLAND MANREALREGINA ROSALESLAURA BALATBAT-CORPUZ | JUVEL REMPISRAMIL ILAGANBERT CABUAL BHENG ARELLANO | ZACK  |  NOEL MALICDEM | JULIETA ASENITAJOEL SANTOS