ZALDY
ALORA |
ONOFRE CAMARILLO
| GONIE MEJIA
| DOMINGO
TOLENTINO | EDU
CARPENA | MONALIZA
MONDATA
| MARIA TERESA
CURA REA | ROSELYN
ALEGONZA | TREZ
MUSKITEROS | HANA
BLUE 23 | VIC
YAMBAO | ROLAND
MANREAL | REGINA
ROSALES | LAURA
BALATBAT-CORPUZ
| JUVEL
REMPIS | RAMIL
ILAGAN
Mula sa panulat ni
HIRAM
Pag-ibig na sakdal tamis, sa akin ay inihain
Ano't ako'y bantulot sa pag-ayon sa iyong nais
Sa wari ko'y kasalanan, walang kahihinatnan
Kapwa masasaktan, puso'y masusugatan.
Pagdaka'y ano itong namamahay sa aking dibdib
Tila ako'y umiibig, puso'y di mapigilan
Araw gabi tanging ikaw, ang nasa sa isip
Mata ko'y saan man dumako, larawan mo ang nakikita.
Gabi-gabi sa higaan ang mahal ko'y hinahanap
Ngunit hindi masumpungan, kahit na sa pangarap
Ang lansangan sa paligid ay aking ginalugad
Ngunit hindi masumpungan ang sinta kong nililiyag.
Panahong nagdaa'y puspos ng pag-ibig
Pag-aalala sa isa't isa'y nasasambit
Kapag kausap ka'y langit ang kapara
Ano't ito'y di alintana, hiram na sandali
Saan man pumaruon, pag-ibig moy dadalhin
Gaano man kalayo ang aking marating
Iingatan sa puso ko hanggang sa mahimlay
Pag-ibig na HIRAM dadalhin hanggang libing.
Sa kanyang liham ay
sinabi ni miss hana_blue23 sa inyong lingkod:
Kumusta po kayo!
Ang tula ko pong ito'y inaalay ko sa nag-iisang taong tangi kong
minahal,
subali't dumating siya sa maling panahon, kaya ang titulo nito ay"
HIRAM".
ZALDY
ALORA |
ONOFRE CAMARILLO
| GONIE MEJIA
| DOMINGO
TOLENTINO | EDU
CARPENA | MONALIZA
MONDATA
| MARIA TERESA
CURA REA | ROSELYN
ALEGONZA | TREZ
MUSKITEROS | HANA
BLUE 23 | VIC
YAMBAO | ROLAND
MANREAL | REGINA
ROSALES | LAURA
BALATBAT-CORPUZ
| JUVEL
REMPIS | RAMIL
ILAGAN