Site menu:

SIGN GUESTBOOK VIEW GUESTBOOKSEND EMAIL

THANKS TO OUR SPONSORS

ads - group 5
ads - group 6
ZALDY ALORA  |  ONOFRE CAMARILLO  |  GONIE MEJIA  |  DOMINGO TOLENTINO  |  EDU CARPENA  |  MONALIZA MONDATA  |  MARIA TERESA CURA REA  |  ROSELYN ALEGONZA  |  TREZ MUSKITEROS  |  HANA BLUE 23  |  VIC YAMBAO  |  ROLAND MANREAL  |  REGINA ROSALES  |  LAURA BALATBAT-CORPUZ  |  JUVEL REMPIS  |  RAMIL ILAGAN

Laura Balatbat-Corpuz: Munting Rosaryo Mula sa panulat ni

LAURA BALATBAT-CORPUZ

Metamora, Illinois, U.S.A.

Iba pang tula ni Laura:
Ang Tubig | Araw ng mga Ina | Dahilan...Tinapay | Pangungulila | Ugaling Pilipino

MUNTING ROSARYO

Bakit ba sa ngayo’y nag-aala-ala
Pati ang dibdib ko’y laging kumakaba
May bumabagabag sa pamamahinga
At ‘di mapakali sa tuwi-tuwina?

Sa araw at gabi ay ‘di mapalagay
Tatayo, uupo sa may durungawan
Malungkot na lagi saka namamanglaw
Para ‘kong bulaklak na lanta sa tangkay.

Ngayo’y alam ko na ang tanging dahilan
Kaya para akong mayruong dinaramdam
‘Pagkat malapit na ang iyong kaarawan
Ang nais ko sana ikaw ay handugan.

Ang hindi mo lamang dapat na asahan
Ay ikaw’y tatanggap sa iyong kaarawan
Mga ala-ala na naggagandahan
Mga ginto’t hiyas na nagsisikinang.

“Di ko malalakad yaong pamilihan
At ‘di mararating kung walang aakay
Kahit na man lamang sana aalalay
Sa tulad kong bulag ay magiging gabay.

Ang tanging handog ko sa kaarawan mo
Ay munti nga lamang ngunit banal ito
Gamitin mong lagi ang munting rosaryo
Habang may buhay ka’y pakamahalin mo.

Laura G. Balatbat
Oktubre, 1963