Site menu:

SIGN GUESTBOOK VIEW GUESTBOOKSEND EMAIL

 

THANKS TO OUR SPONSORS







ads - group 5
ads - group 6
ZALDY ALORAONOFRE CAMARILLOGONIE MEJIADOMINGO TOLENTINOEDU CARPENAMONALIZA MONDATAMARIA TERESA CURA REAROSELYN ALEGONZATREZ MUSKITEROSHANA BLUE 23VIC YAMBAOROLAND MANREALREGINA ROSALESLAURA BALATBAT-CORPUZ | JUVEL REMPISRAMIL ILAGANBERT CABUAL BHENG ARELLANO | ZACK  



Ang Makata at ang Alak - ni Bert Cabual Mula sa panulat ni

BERT CABUAL

London, United Kingdom


ANG MAKATA AT ANG ALAK
Bert Cabual - Ang makata at ang alak
Ang lunong taglamig ay naglalambitin
sa puno ng ubas na nagmamagaling…
(Uminom man siya’y takot na malasing
sa labi ng saro’y marahan ang simsim;
nguni’t nang ang puso’y mabasa’t masaling,
may taal na tulang bugtong kung bigkasin.)
 
Nagbababala na ang ngising pag-usbong
ng dahon sa baging dahop sa yamungmong…
(Niyayakap siya ng piping tagsibol
sa manhid na diwang gimbal maparool;
ang wisik na yelong tugma sa pag-ambon
ay lusaw nang tula sa mga kalyehon.)
 
Lumantad ang araw na namimitaktak
sa mala-tropikong nabalbal na s’yudad…
(Naiga ang tubig ng matinong landas
sa kanyang pagtunggang hindi na mapuknat;
namanhid ang mukha ng kulong na lakas,
dapwa’t may tula pang pumipiglas-piglas!)
 
Umani ng ubas ang luhong tag-araw,
inimbak sa isang antigong lalagyan…
(Ang pagkabahala’y di na maramdaman,
nilaklak ang lalong katas na pamatay…)
Sa bunton ng tula’y maraming nagimbal,
may isang makatang tinanghal na bangkay!!!


Mga katha ni Bert Cabual na matatagpuan sa sayt na ito
Tula:  Ang Makata at ang Alak | Kamanyang Kay Manny Pacquiao | Si Quezon at ang Wika | Soneto kay Paeng | Noynoy: Asin at Ilaw  
Kwentula: Bugso ng Gunita
Balagtasan:  Bata at Pamalo | Si Manny Pacquiao at ang Politika |  Dagdag na taon sa Haiskul
Sanaysay: Saltik-Panitik: Balagtasan
Maikling Kuwento: Ang Dasalan ni Belen | Isang Libo't Isang HalikMay Lihim ang Bahay-bahayan | Mayo at Disyembre | Si Mang Estong



  

ZALDY ALORAONOFRE CAMARILLOGONIE MEJIADOMINGO TOLENTINOEDU CARPENAMONALIZA MONDATAMARIA TERESA CURA REAROSELYN ALEGONZATREZ MUSKITEROSHANA BLUE 23VIC YAMBAOROLAND MANREALREGINA ROSALESLAURA BALATBAT-CORPUZ | JUVEL REMPISRAMIL ILAGANBERT CABUAL BHENG ARELLANO | ZACK