Saang sulok ng daigdig ka man naroon, Kabayan, BAYANI kang ituturing ng iyong Inang Bayan.
SALINTULA
Tuloy po kayo!TulaKwentulaSalintulaBalagtasanBlogTalasanDulaSanaysayMaikling KuwentoSali ka, KabayanKilalanin NatinUsapang OFWCartoonsAwitLarawanDoon Po Sa AminHandogKomento at punaArkibo TUNGKOL
SA SAYT NA ITO

Advertisement
affiliate_link

KAYA MO KUNG INIISIP MONG KAYA MO

Salin sa Filipino
ni Rafael A. Pulmano

Pakinggan ang tula


Kung iniisip mong ikaw'y mabibigo
     ikaw ay bigo nga
Hindi matutupad and alin mang balak
     kung yon ang akala
Kung ibig magwagi ngunit iniisip
     na di magagawa
Ay halos tiyak nang talo ka bago pa
     makapagsimula.

Ikaw nga'y talunan kung sa sarili mo'y
     Gayon ang palagay
Sapagkat sa mundo'y ating nakikitang
     ito ang nairal
Tagumpay ng tao ay nagsisimula
     sa pasya pa lamang
Ang lahat ng ito'y nasa tamang timpla
     ng ating isipan.

Pagkat ang tagumpay sa buhay na ito'y
     di laging kakamtan
Ng taong maliksi o mayro'ng malakas
     na pangangatawan
Kundi, sa malao't madali, ang siyang
     nagwawaging tunay
Ay ang nag-iisip na kaya n'yang gawin
     ang alin mang bagay.






Pakinggan ang tula mula sa tinig ni Christopher A. Alba
 
 
Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.


Batingaw
Bilangin ang Pagpapala
Desiderata
Kahapon, Ngayon, at Bukas
Kalimutan Mo Na
Kaya Mo Kung Iniisip Mong Kaya Mo
Walang Panahon



SALINTULA
Tuloy po kayo!TulaKwentulaSalintulaBalagtasanBlogTalasanDulaSanaysayMaikling KuwentoSali ka, KabayanKilalanin NatinUsapang OFWCartoonsAwitLarawanDoon Po Sa AminHandogKomento at punaArkibo

 
Personal na web site ni Rafael A. Pulmano

OFW – ANG BAGONG BAYANI
 
COPYRIGHT 2017 © RAFAEL A. PULMANO

affiliate_link