BILANGIN
ANG IYONG MGA PAGPAPALA | WALANG PANAHON
|
KALIMUTAN MO NA
KAYA MO KUNG INIISIP MO
| KAHAPON,
NGAYON, AT BUKAS | DESIDERATA
DESIDERATA
Salin sa Filipino ni Rafael
A.
Pulmano
Pakinggan ang tula
Humayong payapa
sa gitna ng ingay at kaabalahan
At alalahanin
ang kapayapaan sa katahimikan
Hangga't maaari
ay maging mabuti sa kahit sino
man
Bigkasing banayad
at nang buong linaw ang
katotohanan
At ang sinasabi
ng iba ay iyong dinggin at
pakinggan
Sila man na walang
lubhang nalalaman ay may
kasaysayan.
Umiwas sa mga
taong mapamilit at lubhang
mapusok
Sila sa kalul'wa
ay pawang ligalig ang
idinudulot
Kung ang sarili mo'y
ihahalintulad sa iba ng lubos
Magiging palalo
at maninibugho ang sariling
loob
Sapagkat lagi nang
mayroong lilitaw at mayro'ng
sisipot
Na sa iyo'y lalong
dakila o lalong hamak at
busabos.
Sa iyong tagumpay
at mga balak man, lasapin ang
galak
Ang pagkawili mo
sa iyong propesyon ga'no man
kahamak
Ay panatilihin,
iya'y pag-aaring totoo at payak
Sa pabagu-bagong
kapalaran nitong panahong
nalipas
Sa pagnenegosyo
dapat kang magsanay niyang
pag-iingat
Sapagkat sa mundo,
mga panlilinlang ay lubhang
laganap.
Ngunit ito'y hindi
sa iyo ay dapat bumulag tuluyan
Ng kung ano na nga
ang mayroon ditong mga
katangian
Sapagkat maraming
nangagpupumilit para lang
makamtan
Yaong simulaing
matayog na sadya, at saka ang
buhay
Ay lipos na lipos
ng kabayanihan. Ikaw'y maging
ikaw.
Mas higit sa lahat,
'Wag pagkunwarian ang gawang
magmahal.
Huwag ka rin namang
maging mapangutya hinggil sa
pag-ibig
Sapagkat sa harap
ng kawalang-sigla at ng
pagkabatid
Sa katotohanang
nagbibigay-laya sa ligaw na
isip
Ito'y magtatagal
kagaya ng damo sa paligid-ligid
Tanggaping magalang
ang payo ng mga taon, na
kalakip
Ang may kasiyahang
pagsuko ng mga bagay na
pampaslit.
Mag-ipon ng lakas
ng yong espiritung
maisasanggalang
Sakaling sumapit
nang bigla sa buhay ang
kapahamakan
Datapwa't sarili'y
huwag bagabagin ng maling
palagay
Pangamba'y malimit
bunga lang ng pagod at ng
kalungkutan
Sa kabila niyang
isang pagsusupil na sadyang
mainam,
Sa iyong sarili
ay maging banayad at maging
magalang.
Ah, ikaw ay supling
nitong sangsinukob na hindi
hihigit
Sa puno at bit'win...
may katuturan ka dito sa
daigdig
Kaya ipanatag
sa piling ng Diyos ang
sariling dibdib
Maging ano pa man
ang larawan niyang mabuo sa
isip
At kahit na ano
ang mga nasa mo't
pagpapakasakit
Sa sadyang magulong
kalituhan nitong buhay na
sinambit...
Ay panatilihin
ang kapayapaan sa kaluluwa mo.
Kasama ng lahat
ng pagkukunwaring tinataglay
nito,
Ng mga gawaing
nangakayayamot sa puso ng tao,
At maging ng mga
nabigong pangarap na
pira-piraso,
Dapat mong isipin
at sa iyong puso'y itanim na
husto:
Ito'y isa pa ring
pagkaganda-gandang masasabing
mundo.
Pakinggan
ang tula sa tinig ni Rafael A. Pulmano
BILANGIN
ANG IYONG MGA PAGPAPALA | WALANG PANAHON
|
KALIMUTAN MO NA
KAYA MO KUNG INIISIP MO
| KAHAPON,
NGAYON, AT BUKAS | DESIDERATA