BILANGIN
ANG IYONG MGA PAGPAPALA | WALANG PANAHON
|
KALIMUTAN MO NA
KAYA MO KUNG INIISIP MO
| KAHAPON,
NGAYON, AT BUKAS | DESIDERATA
BILANGIN ANG IYONG MGA PAGPAPALA
Salin sa Filipino ni Rafael
A.
Pulmano
Kapagka may mga
Sandaling madilim at sadyang kulimlim
Isipin mo lamang ang sikat ng araw
Kapag mayroon kang
Kinakailangang tapusing gawain
Isipin ang iyong mga paglilibang
Kapag may mahaba,
Malubak na landas na dapat lakbayin
Isipin ang dulong nasa katapusan
Kapag nadaramang
Wari'y nawawala't nag-iisa mandin
Isipin ang isang tapat na kaybigan
Kapag bagay-bagay
Ay hindi maayos ang takbo at suling
Isipin ang noong sila'y ayos naman
Kapag nadarama
Iyang kalungkutan, ay dili-dilihin
Ang napakaraming biyayang nakamtan.
BILANGIN
ANG IYONG MGA PAGPAPALA | WALANG PANAHON
|
KALIMUTAN MO NA
KAYA MO KUNG INIISIP MO
| KAHAPON,
NGAYON, AT BUKAS | DESIDERATA