Site menu:

SIGN GUESTBOOK VIEW GUESTBOOKSEND EMAIL

ABOUT
THIS SITE


A treasure chest of poems and other works dedicated to OFWs: 100% Philippine-made Premium Export Quality
Heroes and Victims
at home and abroad.

THANKS TO OUR SPONSORS





ads - group 5
ads - group 6

Search box:

RAFAEL PULMANO | LAURA BALATBAT-CORPUZELVIE ESPIRITUGONIE MEJIA | BAYANI CAMBRONERODOMINGO TOLENTINOEMMA MALACA | JULIET ASENITAPERT MAGTAPAT | PASTOR GAGARING

 

MORE ABOUT ME (AKO PA RIN)

 

young once
RAFAEL

ALONDE

PULMANO









ANG AKING INA



ANTONIA (TONIA) ALONDE.
Mabait ang aking ina.  Maganda.  Mahiyain.  Masipag.  Masinop.  Mapagmahal.  Matiisin.  Mapag-aruga sa mga anak.

(Sumunod ako sa panganay sa siyam na magkakapatid.)





ANG AKING AMA



RODOLFO (RUDY) PULMANO.

Isa siyang mahusay na mang-aawit, gitarista at haranista. Sa kanyang kabataan, madalas siyang naaanyayahan sa mga paligsahan sa pag-awit at sa mga paghaharana.

(Kuha ang larawang ito sa Los Maduros Bandstand sa plasa ng Biñan noong Disyembre 1955, isang buwan pagkaraang ako ay isilang.)






UNANG PAARALAN


Nag-aral at nagtapos ako ng elementarya sa De la Paz Elementary School (Batch 1968).






HIGH SCHOOL



Nagpatuloy ako ng pag-aaral
at nakapagtapos ng high school sa
Lake Shore Educational Institution
o LSEI (Batch 1972).







WORKING STUDENT SA KOLEHIYO


Bilang isang working student, ako ay nag-aral ng kursong Bachelor of Science in Commerce, Major in Accounting sa Biñan College (ngayon ay Saint Michael's College of Laguna). Gumradweyt na cum laude (Batch 1981).





CERTIFIED PUBLIC ACCOUNTANT (CPA)


1982.  Nakapasa sa CPA exams, kasabay ng kapatid na si Jojo at dalawa pang kaklase, sina Ma. Leonora Ulgado at Mena Caramutan, na kapwa taga-Santa Rosa, Laguna.






UNANG TRABAHO


Nagsimula bilang Bookkeeper I sa Second Laguna Development Bank (SLDB), at bago natapos ang unang kalahating taon, kasabay ng paglabas ng resulta ng CPA Board Exam, ay na-promote bilang Corporate Planning Head.  Nagturo din sa evening at weekend classes sa SMCL.




PORTRAIT OF MY LOVE





Si Bhecky,
na unang nakilala
bilang ka-penpal,
mula sa
Iriga City.








CARTOON STRIP SA MANILA BULLETIN



Isa sa mga cartoon strips na napalathala sa malawak na pahayagang Manila Bulletin.





PANGINGIBANG-BANSA



1991.  Unang taon sa Saipan, Commonwealth of the Northern Mariana Islands, kasama ang pinsang si Rod Alonde, na matagal nang nagtatrabaho roon.

Nagsimulang maglingkod bilang Research Associate.  Pagkaraan ng ilang buwan, napalipat sa ibang employer.

Bago matapos ang taon, na-promote na General Manager ng kumpanya, at naisama sa Saipan ang buong pamilya.





BUHAY-OFW SA SAIPAN


Nagsasalita sa mikropono (gitna), bilang Founding President ng bagong tatag na Samahang Laguna sa Saipan.

Nanunumpa sa katungkulan (pangalawa mula sa kanan), bilang Board Member ng Filipino Community (C.N.M.I.), Inc.

(Gawing kanan, sa unahan) Kasama ng mga taga-Samahang Makata, na nagsasahimpapawid ng Balagtasan sa Radyo KSAI tuwing unang Lunes ng buwan.

(Kanan) Mambabalagtas sa isang aktwal na presentasyon ng Balagtasan sa harap ng mga tagapanood, na sabayan o "live" na napapakinggan sa Radyo KSAI.

Sa Saipan, naging kontribyutor ng cartoon strip sa isang lokal na pahayagang tabloid sa isla, sa ilalim ng pangalang sagisag na Estrella S. Labrador.



(Durugtungan . . .)



RAFAEL PULMANO | LAURA BALATBAT-CORPUZELVIE ESPIRITUGONIE MEJIA | BAYANI CAMBRONERODOMINGO TOLENTINOEMMA MALACA | JULIET ASENITAPERT MAGTAPAT | PASTOR GAGARING