Saang sulok ng daigdig ka man naroon, Kabayan, BAYANI kang ituturing ng iyong Inang Bayan.
KWENTULA
Tuloy po kayo!TulaKwentulaSalintulaBalagtasanBlogTalasanDulaSanaysayMaikling KuwentoSali ka, KabayanKilalanin NatinUsapang OFWCartoonsAwitLarawanDoon Po Sa AminHandogKomento at punaArkibo TUNGKOL
SA SAYT NA ITO

Advertisement
affiliate_link

BUGSO NG GUNITA

ni Bert Cabual



 Bugso ng Gunita - Paalam, Mahal Ko!
 Bugso ng Gunita - Nasa Isip Kita, Nayon Ko
(3) Nasa Isip Kita, Nayon Ko
 Bugso ng Gunita - Ito ba ang London?
(4) Ito Ba ang London?
 Bugso ng Gunita - London at Maynila
(5) London at Maynila
 Bugso ng Gunita - Sipag Pilipino
(6) Sipag-Pilipino
 Bugso ng Gunita - Hawig ng Palad
(7) Hawig ng Palad
 Bugso ng Gunita - Paghanga
(8) Paghanga
 Bugso ng Gunita - Kamanyang Kay Pina
(9) Kamanyang kay Pina 


PASINTABI

Bugso ng Gunita - Pasintabi

Hinihiling ko pong ako ay tulutang
magsaysay ng aking mga pinagdanan;
sa dukha kong nayon mula nang lumisan,
hanggang sa pagsipot ng kasalukuyan.

Di man makalugod ay baka sakaling
may pagkaing-isip na maitatangi;
na sa ibang lupa’y sa pamamalagi,
may mangisa-ngisang aral na mapili.
 
Nagtungo sa London: ako nga ba’y sino,
mapangarapin man ay dukhang katoto;
mapagkikilalang ako’y Pilipino
sa pananalita’t tatag ng prinsipyo.

Tangi sa hangaring aliwin ang diwa
ng kababayan kong nangingibang-lupa;
mithi ring ang tatak ng sariling wika
nating Pilipino’y maipabandila.

May ilang pangalan ng lugar at dako
na sa pagsasaysay ay kusang binago;
at gayon din naman may ngalan ng tao,
dito’y pinalitan sa likod ng kwento.

Ang dahila’y upang mapangalagaan
ang puri ng mga walang kinalaman;
layon naming walang pusong masugatan
ng mga tulaing sa babasa’y alay.

Hindi ko gagawing totoong mahaba
ang pasakalye kong magpugay ang nasa;
itong kasaysaya’y sisimulang kusa—
pamamaalam kong natigmak ng luha!
 
KASUNOD > PAALAM, MAHAL KO!

PASINTABI | PAALAM, MAHAL KO! | NASA ISIP KITA, NAYON KO | ITO BA ANG LONDON? | LONDON AT MAYNILA | SIPAG-PILIPINO | HAWIG NG PALAD | PAGHANGA | KAMAYANG KAY PINA
Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.


Bugso ng Gunita
Butas na Medyas
Pag ang Puso'y Napusoy



KWENTULA
Tuloy po kayo!TulaKwentulaSalintulaBalagtasanBlogTalasanDulaSanaysayMaikling KuwentoSali ka, KabayanKilalanin NatinUsapang OFWCartoonsAwitLarawanDoon Po Sa AminHandogKomento at punaArkibo

 
Personal na web site ni Rafael A. Pulmano

OFW – ANG BAGONG BAYANI
 
COPYRIGHT 2017 © RAFAEL A. PULMANO

affiliate_link