SALINTULA
Ang mga tulang ito, na maluwag na salin mula sa bersyong
Ingles, ay
nakapagbibigay ng inspirasyon at paalaala lalo na sa mga nakalilimot,
pinanghihinaan ng loob, o nawawalan ng pag-asa.
Batingaw-
Ang bawa't tao, gaya ng isang batingaw, ay may papel na ginagampanan sa
mundo, at ito ang nagbibigay ng halaga at kabuluhan sa kanyang pagkatao.
Bilangin Ang Iyong
Mga Pagpapala
- Noong ako ay bata pa, nakintal sa aking isipan ang aral mula sa isang
taong naghihinagpis dahil wala siyang sapatos, hanggang isang araw ay
nakatagpo siya ng taong walang paa. Isipin at pasalamatan natin kung
ano ang meron tayo, gaya ng isinasaad ng tulang ito, na isinalin ko
mula sa orihinal na COUNT YOUR BLESSINGS (Author unknown).
Walang
Panahon-
Masyado ka rin bang
abala? Magpahinga ka sandali, at basahin ang tulang ito na salin sa NO
TIME (sorry po, hindi ko na maalala ang awtor), habang may panahon pa.
Kalimutan Mo Na-
Nalimutan ko na kung
kailan ko isinalin sa tulang Pilipino ang isang ito, nalimutan ko na
rin ang pamagat sa Ingles at ang pangalan ng awtor nito, pero hindi ko
kailanman nalilimutan ang kanyang magagandang aral na nagsisilbing
gabay at inspirasyon sa buhay ko.
Kaya Mo Kung Iniisip
Mo
- Maraming pamilyar sa mga linyang
"If
you think you are beaten, you are; if you think you dare not, you
don't. If you'd like to win but think you can't, it's almost a cinch
you won't..." (Author Unknown) Napakagandang paalala sa
mga pinanghihinaan ng loob. Narito po ang nakayanang bersyon ng inyong
abang lingkod.
Kahapon, Ngayon, At
Bukas- Labis ba ang
bigat ng problemang dinaramdam mo? Baka sakaling makatulong na mapagaan
ang iyong kalooban ng mga paalaalang taglay ng tulang ito na salin mula
sa YESTERDAY, TODAY, AND TOMORROW (Author Unknown).
Desiderata
- Ang kaunaunahang sipi ng
Desiderata ay bigay sa akin ng isang mabait na kaibigan at dating
kaklase sa Lake Shore Educational Institution (Batch 1972) noong ako ay
kasalukuyang nag-aaral (at madalas tumambay sa silid-aklatan) sa Saint
Michael's College of Laguna kung saan siya noon ay naglilingkod bilang
Librarian. Ang pangalan niya ay Josephine Castelltort. Maganda ang
mensahe ng Desiderata, kaya di naglaon ay ipinasya kong isalin ito sa
ating sariling wika. Narito ang aking salin. Sana ay maibigan nyo.